Kanser pinakanakakatakot na sakit

Ang kanser ay isa sa pinakanatatakot tayo na karamdaman. Nagmimistulang death sentence kapag nasabing kanser ang sakit. Ngunit ngayong mga araw na ito, dahil sa siyensya, ay maaari nang mapagaling ang kanser sa pamamagitan ng pagdiskubre nito at pagtanggal agad. Gumaganda ang survival rate o haba ng buhay kapag nagkaroon ng kanser. Ngunit paanong aba tayo nagkakaroon ng kanser at sino sin oba ang nagkakaroon nito?

Sa totoo lang, hindi natin nalalaman kung magkakaroon ng kanser ang isang tao, hanggang madiskubre na lamang namayroong bukol at ang bukol na ito ay sasabihing kanser ng isang pathologist base sa histopathologic studies. Iba’t ibangpamamaraan kung paano makakakuha ng sample para maipadalaito sa laboratory, ihanda nang matingnan ng pathologist na syangmagbibigay ng final diagnosis.

Sari saring eksaminasyon ang maaaring gawin para makita ang isang bukol. Mayroong mga imaging techniques tulad na lang ng x-rays, ultrasound, CT scan at MRI. Pati sa mga eksaminasyonsa dugo ay nagbibigay ng ideya kung kanser ang sakit. Ngunitang mga ito ay ginagawa dahil may nararamdaman na kakaiba o may nakakapang bukol. Kadalasan kupag meron na nito ay maaaring malala at malubha na ang kundisyon,

Kaya ang mahalaga ay maeksamin ng mas maaga at ditotinitingnan ang mga risk factors na posibleng magingkaragdagang dahilan sa pagkakaroon ng kanser. Merongtinatawag na modifiable at non-modifiable risk factors. Ang pinagkaibahan ay kung mababago o hindi ang mga ito. Ang non-modifiable ay ang edad, sex, ethnicity o etnisidad, at higit salahat ay anmg family history ng kanser. Dati ay tinitingnanlamang kung anong klaseng kanser ay yun lang ang risk. Tuladng risk ng breast cancer kung may breast cancer ang nanaya, lolao mga tiya. O di kaya ay kung nagkaroon ng prostate cancer ang tatay, lolo, o mga tiyo. Ngayon ay lahat na nag klase ng kanseray isinasama. Mapa sab aga, atay, tiyan, bituka at iba pa. ang lahat ng ito ay hindi magbabago at hindi mababago.

Ang modifiable risk factors naman ay syan nangyayari sapangaraw araw nating pamumuhay. Andiyan ang pagkain natin, pagkilos at paggalaw. Ang paninigarilyo, vaping, at paginom ng alak ay kasama din. Kabilang ang paligid, kung saannaninirahan at nakalugar sa trabaho. Mas mainam kung mabantayan natin ang mga ito nang hindi makadagdag saposibilidad na magkaroon ng kanser.

Ngunit kung sakaling mayroong mga risk factorsl, hindikailangang matakot. Kumunsulta sa inyong doktor, nang ang mga eksaminasyon ay magawa nang mas maaga at tunay namabantayan. Sa oras na may kakaibang makita, kahit kanser pa ito, magagamot at matatanggal ito nang magkoroon ng mas mahabang buhay ksama ang ating pamilya at mga mahal sabuhay.

Hanggang sa susunod! Keep healthy! Stay safe!Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio at tutukan ako sa Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter o X@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc

The post Kanser pinakanakakatakot na sakit first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments