Walang klarong atas ang pamunuan ng Maritime Industry Authority (Marina) sa mga sangay nito na ipagkaloob sa Philippine Ports Authority (PPA) ang iskedyul ng biyahe ng mga barko batay sa napagkasunduan sa paglulunsad ng Online Reservation Assistance System (ORAS).
Ito ay kung pagbabatayan ang memo na inisyu ni Marina Administrator Sonia Malaluan sa iba’t ibang sangay ng ahensya batay sa napagkasunduan sa pagpupulong na pinamunuan mismo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez.
Isinagawa ang pulong sa pamumuno ni Lopez upang hingin ang suporta ng iba’t ibang ahensiyang may responsibilidad sa mga sasakyang pandagat na kadalasan ay punuan sa panahon ng Semana Santa.
Ayon sa mga impormasyon, sa naturang pagpupulong ay klarong sumang-ayon si Malaluan sa kahilingan ni Lopez na pagkalooban ng listahan ng mga biyahe ang PPA dahil dito ibabatay ang bilang ng mga pasaherong sasailalim sa ORAS.
Sa naturang advisory ng Marina na may petsang Marso 24, 2026, bagama’t hinihikayat ang kooperasyon ng mga shipowner at operator, walang direktang utos na magsumite ng schedule ng kanilang mga biyahe.
“MARINA strongly enjoins the full cooperation, active participation and operational readiness of concerned shipowners/operators in the pilot areas,” ayon sa advisory.
Ayon sa mga source ng Abante, personal na hiningi ni Lopez ang listahan ng mga biyahe ng barko para sa inisyal na rollout ng ORAS. Gayunman, umano’y tumanggi si Malaluan, na iginiit na hindi naman programa ng kanilang ahensya ang ORAS.
Sa kabila nito, tuloy ang pagpapatupad ng PPA sa programang ORAS bagama’t limitado ang naging galaw nito dahil sa kawalan ng kooperasyon ng kapareho nitong maritime agency. Imbes kasi na sana’y makuha ang datos sa Marina, na siyang nakakasaklaw sa nasabing requirement ay dumiretso na itong nakipag-ugnayan sa mga shipping line na nagpatagal sa proseso na dapat sana’y “smooth” na paglalayag sa hanay ng maritime transport sector.
The post Marina dinedma online reservation sa barko first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments