PBBM pinirmahan na ang emergency power bill para sa suspensiyon, tapyas excise tax ng petrolyo

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12316 na nagbibigay sa kanya ng emergency power upang suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sa ilalim ng bagong batas, maaaring suspendihin o bawasan ng Pangulo ang excise tax sa petrolyo base sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee sa koordinasyon sa Department of Energy kung ang average na presyo ng Dubai crude oil ay umabot o lumampas sa US$80 kada bariles sa loob ng isang buwan.

Maaaring ipataw ang suspensiyon o pagbawas ng excise tax sa mga partikular na produktong petrolyo, gaya ng gasolina o diesel, depende sa sitwasyon.

Bawat suspensiyon o pagbawas ng buwis ay epektibo lamang ng maximum na tatlong buwan pero puwedeng palawigin ng hanggang isang taon.

Kapag bumaba na ang presyo ng langis, babalik agad agad sa normal na rates ang excise tax nang hindi na kailangan ng bagong utos o batas.

Pansamantala lang ang emergency power ni Marcos at maaari lamang gamitin hanggang Disyembre 31, 2028. (Issa Santiago)

The post PBBM pinirmahan na ang emergency power bill para sa suspensiyon, tapyas excise tax ng petrolyo first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments