Pinayagan ng PBA! Kemark Carino-Ben Adamos trade

Aprubado na ng PBA Commissioner’s Office ang one-on-one trade na nagdala kay Kemark Carino mula Terrafirma papuntang Ginebra kapalit ni Ben Adamos.

Pero mas malamang na hindi pa mauumpisahan ni Carino ang Season 50 Commissioner’s Cup na sisiklab sa March 11 sa Ninoy Aquino Stadium.

Maghihintay muna ng ilang linggo pa ang Gin Kings diehards bago mag-debut ang 6-foot-8 big man sa crowd favorites.

Nagpapagaling pa ang center na two-time champion sa NCAA habang nasa San Beda mula sa ACL injury.

“April time table,” balita ng handler ni Carino na si PJ Pilares ng Titan Management Group.

Second round pick (13th overall) ng Dyip si Carino noong 2023 (Season 48) draft.

Sa kanyang rookie year, nasama pa ang 28-year-old sa All-Defensive Team.

Kaya lang, inabot ng ACL tear si Kemark noong nakaraang taon, injury na karaniwang inaabot ng isang taon para maka-recover.

Magkakaroon ng reunion sa Gin Kings sina Carino at dati niyang teammates sa Terrafirma na sina Stephen Holt at Isaac Go.

Tulad ni Kemark, nagpapagaling pa rin mula right knee injury si Go pero binigyan ng Ginebra ng one-year contract extension noong August.

Kapag fully recovered na sina Go at Carino, asahang lalaki na ang size ng frontcourt ng Gins kasama si Japeth Aguilar.

Samantala, pang-walong stop naman na ni Adamos ang Dyip mula nang pumasok sa liga bilang sixth pick overall ng Alaska noong Season 46 draft.

Nang mabili ng Converge ang prangkisa ng Aces ay kasama sa in-absorb si 6-7 Adamos, napunta sa NLEX, Phoenix at NorthPort bago kinuha ng Gins. (Vladi Eduarte)

The post Pinayagan ng PBA! Kemark Carino-Ben Adamos trade first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments