Heart Evangelista kinagat ng pusang gala

Hindi lang puro rampa sa Paris at Milan ang kayang gawin ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista. Pati pagliligtas ng mga pusa ay game na game rin siya kahit pa mauwi ito sa pagpapabakuna!

Pinost ni Heart sa Instagram Story nitong April 12 ang larawan kung saan makikitang tinuturukan siya ng nurse sa braso.

Sa kanyang caption, pabirong pinagalitan ni Heart ang sarili habang nasa loob ng klinika.

Aniya, “Sunday. Dearest Heart, sige pa pulot ka pa ng pusa.”

Ayon sa source, kinagat ng pusang gala ang aktres kaya agad siyang sumailalim sa vaccination — na malamang ay anti-rabies o tetanus shot.

Sa isa pa niyang IG Story, nagpasalamat naman si Heart sa mga taong nag-adopt sa mga kapatid ng pusang si “Chloe”.

Kahit pa “naturukan” siya sa proseso, iginiit ng aktres na “worth it pa rin” ang kanyang ginawa.

Kilala si Heart bilang isang certified animal lover at longtime celebrity ambassador ng PAWS. Dahil dito, hindi kataka-taka na kahit masaktan ay hindi siya tumitigil sa pagtulong sa mga aspin at puspin. (Issa Santiago)

The post Heart Evangelista kinagat ng pusang gala first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments