Naghain ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court ang mister ni Vice President Sara Duterte upang harangin ang implementasyon ng subpoena na inilabas ng House Committee on Justice noong Marso 31, 2026.
Sa kanyang petisyon, humihiling si Atty. Manases “Mans” Carpio ng 72 hanggang 20 oras na temporary restraining order (TRO) laban sa subpoena na sumasaklaw sa mga dokumento, kabilang ang income tax return (ITR) nila ni VP Sara.
Layunin ng petisyon na ipatigil ang pagsunod sa subpoena, ideklarang “null and void ab initio” ito, permanenteng ipagbawal ang pagpapatupad nito, at ibasura ang anumang ebidensiyang makukuha mula rito.
Ang nasabing dokumento ay tinanggap na ng House Committee on Justice, na siyang nagsasagawa ng kaukulang pagdinig kaugnay ng impeachment complaints laban kay VP Sara.
Samantala, nakatakdang ilatag sa pagdinig ng komite sa Martes, Abril 14, ang mga “resibo” ng impeachment complaints.
Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, magsasagawa lamang ang komite preliminary investigation upang matukoy kung mayroong probable cause ang mga reklamo. Ang paglilitis umano ay isasagawa ng Senado na siyang huhusga kung guilty o hindi si Duterte sa mga reklamo laban sa kanya. (Billy Begas)
The post Mans Carpio humirit TRO vs subpoena ng House Committee on Justice first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments