JM Ibarra ‘inangkin’ si Fyang Smith

Tinanong sina JM Ibarra at Fyang Smith

tungkol sa sitwasyon ng isang relationship kung saan kailangan nilang mamili kung mag-stay o magle-let go.

Ani Fyang, hindi raw siya magbibigay ng chance sa isang lalake kung ubos na siya.

Gayunpaman , willing daw siyang unang mag-sorry kung siya ang may kasalanan.

Hinggil naman sa kung sino dapat ang gumastos sa date, naniniwala siyang kung sino ang nagyaya ay siya dapat ang magpakagalante.

Naurot naman si JM kung ano ang take niya sa babaeng mahilig mag-post sa social media.

Ayon kay JM, di raw niya bet maging judgmental.

Depende raw iyon sa situwasyon.

Kung part daw ng trabaho ang pagbibigay ng update at okey lang sa kanya.

On the other hand, naniniwala naman siya na hindi lahat ay dapat na ibahagi sa socmed.

Paniniwala niya na kahit artista ay may pribadong buhay pa rin at sa aspetong ito ay gusto niyang i-guide ang kanyang

girl.

Sa mediacon naman ng seryeng “Love Is Never Gone”, natanong ang JMFyang ng isang fill in the blanks question.

Sagot ni JM, “love is never gone daw because of you” na patungkol niya kay Fyang. Tila inangkin na niya ang dalaga.

Hirit naman ni Fyang, “love is never gone because of us.” Ang sundot niya ng us ay para raw sa buong cast.

Sa nabanggit na mediacon, puring-puri rin nina Dina Bonnevie at Michael De Mesa ang galing ni Fyang na nakikita nilang malayo ang mararating. (Archie Liao)

The post JM Ibarra ‘inangkin’ si Fyang Smith first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments