Belle Mariano kinabahan sa hiwalayan kay Donny

Usap-usapan ngayon ang rebelasyon ni Belle Mariano matapos nitong aminin na hindi biro ang ideya ng pagsosolo.

Sa isang panayam, diretsahang sinabi ni Belle na kinabahan siya sa posibilidad na maghiwalay ang tambalang ‘DonBelle’ lalo’t minahal ito ng mga fan sa loob ng ilang taon.

“At first, I was nervous,” sambit young actress,

Sanay na raw kasi siya kay Donny pagdating sa trabaho.

Pero heto ang twist, habang nakakatrabaho raw niya ang ibang bigating artista tulad nina Maricel Soriano. Joshua Garcia at Piolo Pascual, natuklasan ni Belle na marami pa siyang matutunan sa labas ng kanilang love team.

“Parang sabi ko, ‘Oh okay, this is how it’s like pala to work with someone else,” lahad ni Belle.

Samantala, mas lalong uminit ang intriga nang kumpirmahin ni Donny na ang kanilang latest movie ay posibleng “last DonBelle project… for now!”

Pero relax lang, DonBelle fans! Ayon kina Belle at Donny, mutual decision daw ang pansamantalang paghihiwalay para mas mahasa pa sila bilang individual artists at mas sumubok ng mas malalaking oportunidad.

“It’s scary but it’s okay,” deklara ni Belle na tila handa nang harapin ang bagong yugto ng kanyang career.

The post Belle Mariano kinabahan sa hiwalayan kay Donny first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments