Mga panira sa turismo dapat i- training ng DOT

Nakapag-recharge na ba ang lahat? Balik reyalidad na nga matapos ang ilang araw na walang pasok sa trabaho o eskwela at pagninilay para sa mga Kristiyano. Pagre-relax at pag-travel sa napakagandang isla ng Maniwaya sa Marinduque ang ginawa ko. Kaya lang, hindi naging smooth ang biyahe dahil sa mga panira sa turismo.

Ang tinutukoy ko po ay ang tour organizer na Island Adventure na nalaman kong pagmamay-ari ni Ms. Lance Ordanez at kanilang coordinator na si Daniela Alvarez na hindi naman naibigay sa amin ang maayos na serbisyong aming binayaran.

Excited ako sa trip na ito. Bilang isang solo traveler at sanay na rin sa mga joiner tours, alam ko naman na may konting delays talaga minsan. Pero iba ang naranasan namin. Sa simula pa lang, may mga kasama kaming naghintay ng isa hanggang tatlong oras sa pick-up point. May mga siningil na bayarin pero walang resibo. Doon pa lang, may mali na.

Natuloy ang trip pero bad trip. Habang nasa biyahe, saka lang namin nalaman na hindi na pala kami sa General Luna Port sa Quezon sasakay dahil sa low tide. Walang maayos na abiso, walang briefing. Dalawang coordinator lang ang nagsisigaw ng instructions sa napakaraming van ng turista na umabot pala sa 137 guests pero dalawa lang silang coordinator. Hindi malinaw at hindi organisado.

Mas lalo akong kinabahan nang makarating kami sa usapin ng bangka. Hindi nasunod ang listahan ng mga pangalan sa manifesto. Kung saan may bakante, doon ka isasakay. Kalaunan, nalaman namin na dati na pala nilang ginagawa ang magsakaya ng 30 pax sa bangka na pang-20 pax lang. Kawawa sa kanila ang mga lokal na bangkero na talaga namang mahigpit na sumusunod sa mga awtoridad.

Pagdating sa isla, wala pa ang coordinators pati ang may-ari ng tour. Walang malinaw na instructions kung saan pupunta para sa pagkain na binayaran na namin. Ang lunch na dapat 1 PM, naging 4 PM. Ang island hopping na dapat 10 AM, nagsimula ng lagpas tanghali na. Naiintindihan ko ang delays but this was poor planning, plain and simple.

Mas nakakahiya pa dahil may mga dayuhang turista kaming kasama. Hindi mo maiwasang isipin na ganito ba ang naipapakita nating kalidad ng turismo sa kanila?

At parang hindi pa sapat ang lahat, may narinig pa kaming body shaming mula mismo sa coordinator na si Daniela. Doon ko talaga naramdaman na hindi lang serbisyo ang kulang kundi pati respeto.

Doon ko na-realize: hindi kalikasan ang problema ng turismo natin. Hindi ang ganda ng destinasyon. Ang problema ay ‘yung mga iilang tour organizer na walang maayos na sistema, walang sapat na training, at walang malasakit sa karanasan ng turista.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap ayusin ang ganitong problema. Kailangan lang ng tamang training, malinaw na standards, at seryosong pagpapatupad mula mismo sa DOT. Kung kayang disiplinahin ang ibang sektor, dapat kaya rin sa tourism industry lalo na’t reputasyon ng bansa ang nakataya dito.

Paalala rin sa mga kapwa ko biyahero: maging mapanuri. Hanapin ang legit, ang maayos kausap, at ang may respeto sa kliyente.

At habang bumibiyahe, huwag din nating kalimutan ang paalala ng mga awtoridad gaya ng Philippine Ports Authority (PPA). Sumunod sa mga alituntunin sa pantalan at iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit para hindi maantala ang inyong mga biyahe.

Sa huli, gusto lang naman nating lahat ng maayos na pahinga. Pero kung may mga patuloy na panira sa turismo, panahon na para sila ay itama o tuluyang alisin sa industriya.

The post Mga panira sa turismo dapat i- training ng DOT first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments