Hindi lang balita at showbiz ang focus ngayon ni MJ Marfori.
May bago siyang pinagkakaabalahan. Ito ay ang mundo ng health and wellness business.
Nagsilbi siyang inspirasyon sa mga journalist at broadcaster na keri rin maging CEO at tumawid sa negosyo.
Kasama sina Marga Arenas Vargas, JR Marfori at Mikee Arenas, inilunsad nila ang Gutta Glow, isang Filipino functional beverage brand na matagal nilang pinaghandaan.
Para kay MJ, ibang klaseng challenge ang pagnenegosyo kumpara sa nakasanayan niyang trabaho sa TV.
“Sanay akong magkuwento ng kuwento ng ibang tao, pero ngayon, kaming apat naman ang bumubuo ng sarili naming kuwento,” deklara ni MJ.
May twist din ang pagkakabuo ng kanilang grupo.
Magkapatid sina MJ at JR, habang magkapatid naman sina Marga at Mikee. Kaya apat silang “M” na bumuo sa MMMM Beauty Corp.
At may patawang pakahulugan pa rito si JR:
“Also stands for matandang mayaman matagal mamatay.”
Samantala, hindi rin itinago ni MJ ang kanilang ambisyon para sa negosyo.
“Our battle cry is drink smart, glow hard,” ani MJ.
Kabilang sa unang lineup ng Gutta Glow ang Honey Lemon Iced Tea, French Vanilla Coffee at Spanish Latte.
Hindi raw dito nagtatapos ang kanilang plano dahil may mga susunod pa silang produktong ilalabas. (Roldan Castro)
The post MJ Marfori may bagong pasabog first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments