Micro escape muna ngayong mataas ang presyo ng gasolina

Hindi lahat ng gala kailangang malayo, lalo na ngayon na ramdam na ramdam ang taas ng presyo ng gasolina. Pero hindi ibig sabihin nito, tigil na ang pagta-travel. Minsan, ang kailangan lang natin ay micro escape. Ito ‘yung pag-alis, kahit ilang oras lang, para makapag-relax kahit sandali.

Kung nasa Metro Manila ka, marami pa ring pwedeng puntahan na hindi ubos ang budget. Pwedeng maglakad sa Sunken Garden sa UP Diliman kung saan maluwag ang espasyo at presko ang hangin, o kaya’y mag-Intramuros para sa mabilis na time travel sa gitna ng lungsod. Sa Quezon Memorial Circle, libre at accessible ang pahinga. Pwede kang maglakad, mag-bike, o simpleng tumulala.

Kung gusto mo naman ng city vibe, pwede namang mag-café tour para makahabol sa sunset, habang ang Manila Bay ay nananatiling classic reminder na may nature beauty ka pa ring makikita sa siyudad.

Sa ganitong klase ng gala, hindi lang destinasyon ang iniisip kundi diskarte. Mas praktikal kung pipiliin ang commute kaysa magdala ng sariling sasakyan, lalo na kung iisa lang naman ang pupuntahan. Makakatulong din ang maayos na pagplano ng ruta para iwas sa paikot-ikot na biyahe at dagdag gastos.

Magtakda ng simpleng budget. Halimbawa, ₱300 hanggang ₱500 para may limitasyon ang gastos, at iwasan ang impulse buys na kadalasang nagpapalaki ng bill. Kung kaya, magdala na rin ng sariling tubig o meryenda; maliit na bagay pero malaking tipid sa kabuuan.

Habang tayo’y nagtitipid at naghahanap ng paraan para mairaos ang araw-araw, may mga hakbang ding ginagawa upang mapagaan ang daloy ng gastusin, lalo na sa pagkain. Nagsimula na ang pagpapatupad ng Piso Ro-Ro Terminal Fee (RRTF) Program ng Philippine Ports Authority, kung saan ginawang ₱1.00 na lamang ang bayad para sa mga sasakyan na nagdadala ng produktong agrikultural tulad ng gulay, prutas, bigas, mais, isda, at mga alagang hayop. Layunin nitong pababain ang gastos sa transportasyon ng mga pangunahing bilihin mula probinsya patungo sa mga pamilihan, upang manatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain sa hapag ng bawat Pilipino.

Kaugnay nito, natapos din nitong Abril 8 ang pilot testing ng ORAS Program, na nakatuon sa pagpapabilis at pagpapahusay ng operasyon sa mga pantalan. Sa ganitong mga hakbang, unti-unting inaayos ang sistema upang kahit may pagtaas sa ibang gastusin, may mga mekanismong tumutulong para hindi tuluyang bumigat ang pasanin ng publiko.

Sa huli, ang gala ay hindi nasusukat sa layo kundi sa gaan ng pakiramdam pag-uwi.

Sa panahon ngayon, baka ang tunay na luxury ay hindi pagsakay ng eroplano o long drive para bumiyahe kundi ang pagkakataong makapag-relax.

Kaya kung hindi kaya mag-full tank, ayos lang basta may konting lakad, konting tanaw ng langit, at konting pahinga. Tara, gala pa rin.

The post Micro escape muna ngayong mataas ang presyo ng gasolina first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments