Leandro Leviste, talent manager konek sisilipin ng NBI sa tanim-pokpok kay Ralph Recto

Tinangka umanong ipa-frame up ni Batangas Rep. Leandro Leviste si Executive Secretary Ralph Recto na ang layon dapat ay ipahiya ito at bahiran ang kaniyang reputasyon.

Ayon sa ulat ng Politiko, naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang talent manager na si Lito de Guzman sa entrapment operation sa isang five-star hotel sa Maynila kamakailan.

Sa tulong umano ni dating congressman Jing Paras, kinausap ni Leviste si De Guzman para mag-recruit ng limang babae na gagamitin upang i-frame up si Recto at palabasin na kliyente nila ang Executive Secretary.

Pinangakuan umano ang limang babae ng tig-P5 milyon kapalit ng pagsisiwalat nila sa publiko at paglalantad kay Recto.

Sa susunod na linggo dapat nakatakdang gawin ang plano pero naharang ito ng NBI na nagresulta sa pagkakadakip kay De Guzman, habang ang limang babae ay isinailalim din sa kustodiya.

Ayon pa sa ulat ng Politiko, nalaman ni Recto ang plano mula sa isang showbiz writer na malapit kay De Guzman.

Mahaharap si De Guzman sa kasong human trafficking. Isa siyang beteranong talent manager at kilala sa showbiz na siyang humahawak sa mga dating sexy star gaya nina Ynez Veneracion, Rita, Magdalena, Hazel Espinosa, Ramona Revilla, at sa mga miyembro ng Baywalk Bodies.

Kasalukuyan na ring sinusuri ng mga imbestigador ng NBI ang mobile phone ni De Guzman para matukoy ang umano’y koneksyon nina Leviste at Paras. Isinailalim ang mobile phone sa forensic examination.

Base sa imbestigasyon, pumiyok umano ang suspek at inilantad ang umano’y pangongontrata sa kanya ni Paras para i-frame up si Recto.

Inalok umano siya at ang apat niyang alaga ng P1 milyon bawat isa kapalit ng alegasyong pinilit silang gumamit ng droga at makipagtalik ni Recto.

Dapat ay matatanggap na umano nila ang 30 percent down payment sa susunod na linggo pero ngayo’y naudlot kasunod ng kanyang pagkakaaresto.

Inginuso ng suspek si Leviste bilang financier umano ni Paras.

Una nang inakusahan ni Leviste si Recto sa kanyang privilege speech sa Kamara de Representantes na nakinabang umano sa contractor money at mga kuwestiyonableng public works deals.

Mariing itinanggi ni Recto ang mga alegasyon ni Leviste at rumesbak sa mambabatas na kanyang inakusahan na tinangka siyang suhulan umano sa eleksiyon noong 2025.

Sinisikap pa ng Politiko at Abante na makuha ang bawat panig ng mga personalidad na nasasangkot sa naturang isyu.

The post Leandro Leviste, talent manager konek sisilipin ng NBI sa tanim-pokpok kay Ralph Recto first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments