Pinaiimbestigahan ni Transportation Secretary Banoy Lopez sa Manila International Airport Authority (MIAA) at New Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Infra Corp. (NNIC) ang nangyaring pagbagsak ng bahagi ng kisame sa Terminal 1 ng paliparan kung saan pitong pasahero ang nasugatan.
“Transportation Secretary Banoy Lopez has immediately instructed MIAA and New NAIA Infra Corp. (NNIC) to ensure the safety and security of all passengers and airport personnel, and to submit a detailed report explaining the cause of the incident,” batay sa inilabas na pahayag ng ahensiya nitong Biyernes.
Ayon sa pahayag, mahigpit na sinusubaybayan ng DOTr ang sitwasyon at inaasahan ang masusing pagsusuri sa insidente, kabilang ang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang mga katulad na pangyayari sa hinaharap.
Sa ulat, hindi bababa sa pitong pasahero ang nasugatan matapos gumuho ang bahagi ng kisame sa NAIA Terminal 1.
Base sa ulat ng bagong NAIA Infra Corporation (NNIC), nangyari ang insidente dakong 10:43 ng umaga sa arrival extension ng terminal.
Agad naman umanong nirespondehan ng Aviation Security Group ng Philippine National Police ang insidente, at agad na kinordon ang lugar.
Samantala, binigyan naman ng tulong medikal ang mga nasugatang pasahero.
Ininspeksyon din ng engineering team ng NNIC ang apektadong lugar at kinumpirma na ligtas na ipagpatuloy ang operasyon
Nanatili namang operational ang NAIA Terminal matapos ang insidente.(Dolly Cabreza)
The post Pagguho ng kisame sa NAIA, pinaimbestigahan first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments