Inirekomenda ng isang oversight committee ng Senado na dagdagan pa ang emergency fund ng gobyerno para sa pagpapauwi sa mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Gitnang Silangan.
Nagbabala ang Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee na mabilis nababawasan ang emergency fund dahil sa patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan kung kaya’t kinakailangan gumawa ng kaukulang hakbang.
Sa ulat umano ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), halos 20 porsiyento ng pinagsamang P1.6 billion repatriation funds ng ahensiya ang nagamit na sa loob lamang ng ilang linggo matapos sumiklab ang krisis sa Gulf region.
Sa mga isinagawang pagdinig ng komite hinggil sa krisis sa petrolyo, ipinahayag ng mga opisyal ng gobyerno na lumobo sa P190,000 ang gastos para sa pagpapauwi sa mga OFW dahil sa mahal na tiket at pinalawak na insurance coverage requirements.
Sa preliminary report ng komite, inirekomenda ni Gatchalian na gamitin ang contingent funds ng gobyerno o magpasa ng supplemental budget para sa mapunan ang emergency repatriation at reintegration support.
Nanawagan din si Gatchalian ng pangmatagalang “whole-of-government” reintegration strategy at sinuportahan ang pagpasa ng Bagong Balikbayan Act para gawing permanente ang mga programang pang-ayuda sa mga OFW na umuuwi sa bansa.
Una nang isinulong ni Senador Risa Hontiveros ang panukalang P52.8 billion supplemental fund, kabilang ang P18 bilyon para sa emergency repatriation ng Department of Migrant Workers sa pakikipagtulungan ng Overseas Workers Welfare Administration.
The post Sherwin Gatchalian isinulong dagdag na emergency fund sa mga OFW first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments