STORY TEXT:
Finals Game 1 sa Linggo;
(Rizal Memorial Coliseum)
12:00nn – CSB vs Mapua (men)
2:30pm – CSB vs Letran (women)
ILALAPIT ni Zamantha Nolasco ang nagtatanggol na kampeon na College of Saint Benilde sa makasaysayang limang sunod na korona sa pagsagupa nito sa uhaw na Colegio de San Juan de Letran (CSJL) Lady Knights sa krusyal na Game 1 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 101 women’s volleyball Finals ngayong Linggo, Abril 5, sa Rizal Memorial Coliseum.
Una munang magsasagupa ang naghahangad na mabawi ang korona na Saint Benilde Blazers sa ganap na alas-12 ng tanghali sa pagsagupa nito sa Mapua Cardinals sa men’s championships bago ang paghaharap ng Lady Blazers at Lady Knights sa alas-2:30 ng hapon.
Unang nakamit ng “five-peat seeking” Lady Blazers ang kanilang puwesto sa Finals nang walisin nila ang University of Perpetual System Dalta (UPHSD) Lady Altas, 25–18, 26–24, 25–21, sa kanilang semifinal series.
Sinandigan ng Saint Benilde ang beteranong si Nolasco kasama sina Chenae Basarte at Cam Bartolome.
Sa kabilang banda, bumalik sa Finals ang Lady Knights matapos talunin ang San Beda Red Lady Spikers sa apat na set na tagumpay sa semifinals, 25–18, 25–19, 23–25, 25–21.
Inasahan naman ng Lady Knights sa pagbabalik sa kampeonato sina Judiel Nitura, Vanessa Sarie at Lara Mae Silva.
Ang dalawang kampeonato ay race-to-two wins.
Winalis ng Lady Knights ang elimination round upang itakda ang Finals trilogy kontra sa Lady Blazers.
Ang Lady Blazers, sa kabilang bracket, ay nagwalis sa Perpetual Help sa kanilang sariling semis bracket.
Nagharap ang Letran at Benilde sa huling dalawang NCAA Finals kung saan nagwagi ang Lady Blazers sa parehong serye.
Sa panalo ng Letran patungo sa finals, muling nagningning si Nitura na may 18 puntos. Ang duo nina Vanessa Sarie at Gia Maquilang ay nakatulong din sa layunin na may 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakabanggit.
Babalikan ng Lady Knights at Lady Blazers ang kanilang tunggalian ngayong Linggo ng Pagkabuhay para sa krusyal na unang panalo sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum. (Lito Oredo)
The post Todo na ‘to! Zam Nolasco, CSB sasakmalin 5-peat first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments