Dahil sa bentahe ng pagiging lokal, may 85% handa na ang 21-miyembrong koponan ng Pilipinas na atat magtagumpay sa 11th Asia-Oceania Sambo Championships na ihahandog ng Philippine Sports Commission sa Hunyo 23-28 sa Ninoy Aquino Stadium.
“Ang lahat ng 21 miyembro ng Pilipinas sambo team nasa 85 porsyento nang handa sa torneo na wala ng isang buwan ang nalalabi. Lahat sila ay gustong magtagumpay at ipagmalaki ang bansa,” pahayag sa Ingles ni national sambo coach Ace Larida nitong Martes sa Philippine Sportswriters Association Forum sa PSC Media Center sa Malate.
Kasama niya sa programa si Pilipinas Sambo Federation president Paolo Tancontian, na nagbunyag na mahigit 600 samboists mula 20-35 bansa ang makikipagkumpetensya sa anim na araw na torneo.
“Umaasa kami ng mga 500 atleta lamang, pero ngayon ay mahigit 400 na kami at marami pang nagpaparehistro. Maaaring umabot ng mahigit sa 500 ang mga kalahok mula sa 31 bansa kung magpapatuloy ang trend na ito,” hirit ni Tancontian.
Sinabi niya na ang pagdaraos ng malaking larangang ito ay naaayon din sa adbokasiya ni PSC chairman John Patrick ‘Pato’ Gregorio sa pagsusulong ng sports tourism.
Binanggit pa ni Ladrid na isa sa mga mangungunang inaasahang kalahok sa paligsahan na pinahintulutan ng International Sambo Federation (FIAS) si Aislinn Yap, na reigning world No. 1, wagi ng gold medal sa women’s -80-kilogram combat sambo division sa Tashkent 2025 A-O Sambo, at tanso sa 2025 Chengdu World Games.
“Mayroon din tayong Joemarie Torres sa women’s 50kg division at ngayo’y world No. 7,” dagdag ni Larida sa sesyon na mga sinusuportahan ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, Milo, at ng 24/7 sport app ArenaPlus.
Kabilang sa mga inaasahang makakakuha ng medalya sa panig ng mga kalalakihan, ayon pa kay Larida, sina Jason Palmes at Jarred Pamor sa 58kg sport sambo class, Godwin Langbayan (66kg combat sambo), Vincent Navares (-71kg sport sambo), at Angelo Salla (-71kg combat sambo).
Ipinahayag ni Tancontian na hindi pa tiyak kung makikipagkumpetensya ang kanyang anak na si Sydney Tancontian, na gold medalist sa women’s +80kg sa 10th A-O Sambo Championships 2025.
“Si Sydney ang nag-alaga sa akin nang magkasakit ako at kinailangan din niyang kunin ang ilan sa aking mga responsibilidad sa pag-oorganisa ng torneo,” pabatid ng puno ng PH sambo, na lumabas mula sa ospital ilang araw na lang ang nakalipas.
“Hindi tayo pwedeng magkamali sa ating pagho-host dahil – sino ba ang nakakaalam – sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon, baka magkaroon tayo ng pagkakataon na mag-host ng world championships,” ani Tancontian.
“Sa kahit anong paraan, kahit hindi sumali ang anak ko, may mga ‘secret weapon’ pa rin tayo diyan, mga sambo athlete na puwedeng manalo para sa bansa,” panapos niya na may makahulugang ngiti. (Lito Oredo)
The post Aislinn Yap, 20 pa pambato ng ‘Pinas sa A-O Sambofest first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments