CJ Cansino sinagip Rain or Shine, tinabla ang series kontra Ginebra

Isa lang ang basket ni CJ Cansino sa fourth quarter, pero ‘yun na ang nagsilibing pandiin ng Meralco para ipagpag ang makulit na TNT tungo sa 101-90 win sa Game 4 ng kanilang PBA 50 Commissioner’s Cup semis sa Smart Araneta Coliseum nitong Miyerkoles ng gabi.

Tabla ang series sa 2-2, babasagin ang pagkakabuhol sa Game 5 sa Biyernes sa Big Dome rin.

“It’s really hard to adjust lalo na may mask kasi para kang kabayo na limited ‘yung vision mo,” ani Cansino na 7 of 14 mula sa field, may tig-isang 4 at 3. “Sakto lang binigay sa akin ni God ‘yung shot, wino-work out ko naman ‘yun everyday sa practice, ‘yun na-shoot.”

Nakadikit pa sa tatlo ang Tropang 5G sa 3-pointer ni RR Pogoy, binatuhan ni Jason Brickman si Cansino sa labas ng second arc at ibinaon ng guard ang malutong na 4-ball para ilayo 97-90 may 1:21 na lang sa laro.

Lumamang hanggang 28-15 sa first period ang Bolts pero hindi maiwan ang Tropa.

Nagpakilala sa tono ng 20 points, 13 rebounds, 3 assists ang bagong import ng Meralco na si Patrick Gardner, pumalit kay Marvin Jones.

Tumapos ng 17 points si Cansino, suot pa rin ang protective mask para hindi mabugbog ang nabaling ilong.

May 13 points, 10 rebounds si Javee Mocon, 11 dito sa final stanza na nagsilbing pamatay-sunog sa tangkang balik ng TNT na nakadikit 73-71 pagkatapos ng three. Bumakas ng 12 markers si Aaron Black, 11 pa kay Chris Newsome.

Hindi naibalik ng 24 points, 9 rebounds, 3 blocks ni Chris McCullough ang Tropa, kahit nang kamadahin ng balik-import ang 17 niya sa second half.

May 15 markers si Jordan Heading mula sa tatlong tres, tig-14 sina Pogoy at Brandon Ganuelas-Rosser. Naka-8 attempts lang sa basket si Calvin Oftana tungo sa 10 points.

May tigalawang ties at deadlocks lang ang laro sa harap ng 14,615 crowd, pinakamarami ngayong conference sa lahat ng venues. Second-largest attendance din ito ngayong season pagkatapos ng 15,222 noong Jan. 11 sa San Miguel-Ginebra at TNT-Meralco semifinals Game 4 sa SM Mall of Asia Arena.

Iskor

MERALCO – Gardner 20, Cansino 17, Mocon 13, Black 12, Newsome 11, Hodge 8, Banchero 8, Brickman 6, Quinto 4, Almazan 2.

TNT – McCullough 24, Heading 15, Pogoy 14, Ganuelas-Rosser 14, Oftana 10, Castro 8, Galinato 4, Williams 1, Nambatac 0, Enciso 0, Aurin 0, Khobuntin 0, Quitevis 0.

Quarters: 32-23, 50-48, 73-71, 101-90. (Vladi Eduarte)

The post CJ Cansino sinagip Rain or Shine, tinabla ang series kontra Ginebra first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments