Hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na magpalabas ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Senador Rodante Marcoleta, dating congressman Michael Defensor, at mga negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu.
Layunin ng PHDO na pigilan ang mga akusado na makaalis ng bansa habang dinidinig ang mga kasong isinampa laban sa kanila.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito Lunes ng gabi ay wala pang inilalabas na desisyon ang Sandiganbayan kaugnay sa kahilingan ng Ombudsman.
Nauna rito ay inirekomenda ng Field Investigation Office ng Ombudsman ang pagsasampa ng mga kasong plunder at indirect bribery laban kay Marcoleta kaugnay ng tinanggap nitong campaign donation na nagkakahalaga ng P75 milyon para sa eleksiyon noong 2025.
Kabilang umano sa mga nagbigay ng donasyon sina Defensor, Viray, at Espiritu.
Samantala, nagsalita na si Marcoleta kaugnay ng reklamong plunder at indirect bribery na kinakaharap niya sa Ombudsman dahil umano sa hindi idineklarang campaign donation noong nakaraang eleksiyon.
Ayon kay Marcoleta, gawa-gawa lamang umano ang mga reklamo laban sa kanya at sa ilan niyang kaalyado upang takutin ang mga independent voices at patahimikin ang mga kritiko ng administrasyon.
Sinabi pa ni Marcoleta na kung ang layunin umano ng administrasyon na patahimikin siya ay hindi umano siya mananahimik at ibubunyag niya ang mga anomalya ng korapsyon sa flood control scandal.
The post Ombudsman hinirit sa Sandiganbayan mag-isyu ng travel ban vs Rodante Marcoleta, Mike Defensor, 2 pa first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments