Nakatakdang bumiyahe ngayong linggo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan—isangpagbisita na hindi maihihiwalay sa mas malawakna konteksto ng rehiyonal na pulitika.
Katatapos lamang ng ASEAN summit kung saanbinigyang-diin ng Pilipinas ang papel nito bilang“peacemaker,” ngunit halos kasabay nito ay ang Balikatan exercises na muling nagpakita ng matinding presensiya ng Amerika at Japan sa atingteritoryo. Ang tanong: saan ba talaga nakapuwestoang Pilipinas?
Sa mga dokumentong lumalabas, malinaw ang estratehiya ng Washington—gamitin ang Pilipinas bilang springboard sa kanilang tunggalian laban saChina. Ang mga kasunduang militar gaya ng Mutual Defense Treaty at EDCA ay ipinapakitabilang proteksiyon, ngunit sa masusing pagsusuri, mas nakikinabang ang Amerika kaysa sa atingsoberanya.
Ang pagdami ng joint exercises at pagpasok ng armas ay hindi lamang “cooperation”—ito ay paglalagay sa Pilipinas sa gitna ng posiblengdigmaan na hindi naman natin pinili.
Samantala, ang Japan sa pamumuno ni Prime Minister Sanae Takaichi ay lantaran ang pagsusulong sa muling pagbabalik bilangkapangyarihang militar. Ang kanilang target na 2% ng GDP para sa defense spending ay mas maagangtinutugunan, at may mga panawagan pa mula saradikal na sektor na baguhin ang kanilang non-nuclear status.
Para sa Pilipinas, na minsang naging biktima ng karahasan ng mga sundalong Hapones noongIkalawang Digmaang Pandaigdig, hindi biro ang pagbabagong ito. Ang alaala ng Bataan Death March at iba pang masaker lalo na ang mapait nakaranasan ng mga “Filipina comfort women “ ayhindi dapat basta-basta kalimutan.
Sa larangan ng ekonomiya, hindi rin patas ang trato ng Amerika. Ang simbolikong “discount” sataripa ng ating export goods ay mas mababakumpara sa mga kapitbahay sa ASEAN at malalapitna kaalyado ng Washington.
Habang ipinagmamalaki ng pamahalaan ang mgapangakong tulong, nananatiling mabigat ang realidad: tayo ay nakatali sa mga kasunduanghindi pantay, habang ang tunay na benepisyo ay napupunta sa iba.
Sa puntong ito, dapat maging mapanuri ang pamahalaan. Ang pagbisita sa Japan ay hindilamang seremonya—ito ay pagsilip sa direksiyonng ating foreign policy. Kung patuloy tayongmagpapadala sa dikta ng Amerika at Japan, mawawala ang ating kakayahang pumuwestobilang tunay na independiyenteng bansa sa Asya.
Ang ASEAN summit ay nagbigay ng pagkakataonpara sa Pilipinas na ipakita ang liderato sa rehiyon, ngunit ang Balikatan exercises ay naglalantad ng kabaligtaran: tayo ay nasa gilid ng digmaan nahindi natin kontrolado.
Ang tunay na laban ng Pilipino ay para sa‘palabigasan’—para sa hapag-kainan ni Juan dela Cruz, hindi para sa digmaan ng mga dayuhan.
The post Papel de hapon first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments