Tiis-Ganda sa Zambales!

Maraming beses na akong nakapunta sa Zambales noon, pero kadalasan, campus journalism ang agenda. Coverage rito, seminar doon, press conference kung saan-saan. Ngayon lang yata ako nakabalik na ang misyon ay simple lang—mag-unwind.

Unang stop namin, Subic para sa yacht experience. Aminado ako, napa-“aray” ako nang marinig ang presyo. Imagine, halos P20,000 para sa dalawang oras na cruise experience. Buti na lang at may mapagbigay kaming kaibigan na si Israel del Mundo na sumagot ng gastos. Birthday celebration na rin kasi ng isa pa naming kaibigan na si David Ramos kaya go na rin kami sa mala-sosyal na experience.

Hindi na namin isinama ang food package dahil mas lalong magastos. Ang ending? Swimming at fishing na lang habang nakasakay sa yacht. Pero kahit simple lang, panalo pa rin ang experience. Literal na “tiis-ganda” nga lang dahil napakatindi ng init. S’yempre, walang umatras! Kailangan maganda ang shots para may maipost sa social media.

Special thanks din sa aming kaibigang si Carmie Luna na nagluto ng masasarap naming pagkain. Siyempre, shout out din sa teammates ni Israel sa insurance company na PruLife UK na sina Rona Oliveros, Stephanie Astrologo, Lee Harvey David at Chris Anthony Las Marias na game na game sa buong adventure. Maraming salamat din kay Patrick Eustacio, schoolmate ko sa Tanza, na nag-drive sa amin pa-Zambales. Hindi biro ang biyahe pero inilaban para sa friendship at summer memories.

After Subic, dumiretso naman kami sa Hilltop House sa Pundaquit, San Antonio, Zambales. Dito ko nasabi na minsan, ang pinakamagagandang lugar, kailangan mo talagang paghirapan bago marating.

Hindi biro ang biyahe papunta roon. May sakay-balsa moment pa bago makarating sa mismong area. Ang ultimate challenge—69 steps paakyat ng bundok! Imagine, karamihan sa amin kuwarentahin na, pero game na game pa rin. Ang mas astig? Kasama pa namin ang senior citizen na mommy ng birthday celebrator na si Tita Sancha. Walang reklamo, akyat lang nang akyat!

Sobrang ganda. May 360-degree view ng paligid, tanaw ang dagat, kabundukan, at mga isla. Tahimik, relaxing, at malayo sa ingay ng siyudad. ‘Yung tipong kahit wala kang gawin kundi tumunganga habang umiinom ng kape, okay na okay ka na.

Isa rin sa nagustuhan ko sa Hilltop House, kumpleto ang experience. Hindi mo mararamdaman na “bundok lang” dahil maayos ang amenities gaya ng aircon rooms, kitchen, balcony, at perfect talaga para sa barkada o pamilya.

Sa totoo lang, minsan kailangan din nating tumigil sandali. Hindi kailangang laging trabaho, laging pressure, laging kayod. Kailangan din nating i-remind ang sarili natin na may buhay sa labas ng stress at cellphone notifications.

Ang sa akin lang, ngayong malapit na namang bumalik ang ingay ng klase at trabaho, siguro tama lang na minsan, payagan din nating makahinga ang sarili natin. Kahit pa 69 steps pa ‘yan.

The post Tiis-Ganda sa Zambales! first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments