Sa maaliwalas na kalangitan at magandang panahon, ang tag-init ang pinakamainam na pagkakataon para mag-ayos ng bahay, mula sa pagsasara ng mga tagas sa bubong hanggang sa pagtatapal ng mga siwang sa dingding, upang matiyak na protektado at hindi pinapasok ng tubig ang tahanan bago dumating ang tag-ulan.
Hinihikayat ng Bostik Philippines, isang global leader sa adhesive technologies, ang mga Pilipino na samantalahin ang maaraw na panahon upang patibayin ang kanilang mga bahay gamit ang repair season trio nitong Powermix, Super Vulcaseal, at Ultrafino Skimcoat.
“Ang summer ang pinakamagandang panahon para tingnan kung may mga bahagi ng bahay na kailangan nang ayusin upang masigurong ligtas at tuyo tayo pagdating ng tag-ulan. Kapag ngayon ginagawa ang repairs, mas maganda ang kapit at mas mabilis matuyo ang construction materials,” ayon kay Fides Kasman, Director of Market Development ng Bostik Philippines.
Dagdag niya, may professional-grade solutions ang Bostik na madaling gamitin kahit para sa DIY projects, mula sa pagsasara ng mga butas sa bubong hanggang sa pagpapakinis ng mga dingding.
Ang Powermix ay isang flexible at fiber-reinforced waterproofing membrane para sa roof decks, balconies, at bathrooms. Tinatakpan nito ang maliliit na bitak at bumubuo ng matibay na harang laban sa pagpasok ng tubig.
Samantala, ang Ultrafino Skimcoat Bulilit Pack ay akma para sa maliliit na repairs at touch-ups. Pinapakinis nito ang concrete at plaster surfaces upang maging mas maayos ang kapit ng pintura.
Para naman sa mga tagas sa bubong, alulod, at tubo, nananatiling pinagkakatiwalaan ang Super Vulcaseal sa pagseselyo ng mga bitak at tagas, lalo na kapag ginagamit sa tuyong surface.
Kasabay nito, pinaaalalahanan ng Bostik ang publiko na mag-ingat sa mga pekeng produkto.
“Ang matagumpay na repair ay nakasalalay sa tunay at de-kalidad na materyales. Mag-ingat sa mga pekeng sealant at construction materials na ginagaya ang aming brand dahil maaari itong magdulot ng paulit-ulit na repairs o mas malaking sira,” babala ni Kasman.
Upang makasigurong tunay ang binibiling produkto, bumili lamang sa authorized hardware stores at official retailers ng Bostik. Maaaring i-report ang mga pinaghihinalaang counterfeit product sa (02) 7900-5656 o sa bostiksmartadhesives@bostik.com.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa repair solutions ng Bostik, bisitahin ang https://ift.tt/TuOM7wB.
The post Summer sulitin, kumpunihin mga tagas ng haybol gamit ang Bostik first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments