Nagsalpak ng three-under par 69 si Bianca Isabel Pagdanganan upang pangunahan ang tatlong pambato ng ‘Pinas na umabante sa third at final round ng 11th Four Winds Invitational 2026 sa Blackthorn Golf Club sa South Bend, Indiana nitong Sabado (Linggo, Hulyo 11 sa Manila).
Inumpisahan ang paghambalos sa back nine (10th hole), may apat na birdie sa duluhan (holes No. 5, 6, 8 at 9) kontra sa bogey sa ika-7 butas para sa 36-39 finish pa-140 upang mapabilang sa 64 par busters na mga papalo sa Linggong finals.
Umakyat siya ng 32 baitang para tie 25th place mula sa 57th slot sa first round sa iniskor na 71, limang palo pa pa ring iwan sa lider na si Huai-Chien Hsu ng Taiwan na may 135 pagkapasok ng 69 din, 1-stroke lead kay American Alice Hodge (69, 136).
Nasa apat ang magkakabuhol sa tersera sa pangunguna ni Anne Chen ng host country na may may 137 pagkatirada ng 67 sa 54-hole, 3 day golfest, nagsisilbing ika-11 bahagi ng 19-leg 46th Epson Tour 2026 aka LPGA Developmental Tour.
Abante rin sa pinale sina Tomita ‘Tomi’ Arejola na may 74 pa-141 na T39th spot at Clarissmon ‘Clariss’ Guce na nasa T50th pagpasok ng ikalawang dikit na 71 para sa saktong cut off scores na 142.
Mintis sa huling yugto ang kakuwadra ni Pagdanganan sa International Container Terminal Services, Inc. na si Dottie Ardina na kinapos ng 2-palo (74, 144), Samantha ‘Sam’ Bruce (72, 148) at ang isa pang suportado ng ICTSI, Pauline Beatriz Del Rosario (74, 149). (Ramil Cruz)
The post Bianca Pagdanganan, 2 pa swak sa Four Winds finale first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments