Imbes na paangatin ang lebel ng diskusyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado, marami tayong kababayan na ginagawang engot ang mga Pinoy sa mga usaping legal.
Tinutukoy natin ang mga pinagkakalat ng ilang iresponsableng netizen na puwede raw gamiting legal tender ang photocopy ng banknote.
Sino namang tao ang tatanggap ng salapi na kinopya lamang sa copying machine? Halata naman ang kinopyang salapi kumpara sa totoong banknote.
Ang masaklap nito, maaaring makasuhan ang sinumang magbabayad ng perang kinopya lamang sa copying machine.
Ito kasing mga taong walang magawa sa buhay kundi gumawa ng fake news, binaluktot ang pahayag ni Atty. Amando Virgil Ligutan sa impeachment trial ni Duterte, na ang photocopied document ay maaaring ikonsidera na orihinal na dokumento sa korte.
Tila pinapalabas na pulpol si Atty. Ligutan dahil sa posisyon nito na ang photocopied document ay maaaring ikonsidera na orihinal na dokumento sa korte. Hindi lang iyan, inakusahan din ang abogado na uhugin at sipunin, mga personal na atake na wala namang kinalaman sa impeachment trial.
Dahil sa pagpapakalat ng fake news, napilitan tuloy maglabas ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa pagpapa-photocopy ng local banknotes dahil ito umano ay ilegal o ipinagbabawal sa batas.
Ipinaliwanag ng BSP, na ang pag-photocopy, pag-print o pamamahagi ng mga banknote ng Pilipinas nang walang pahintulot mula sa ahensiya ay paglabag sa BSP Circular No. 829, Series of 2014. Ang sinumang mapatunayang lumabag ay maaaring makulong umano ng lima hanggang sampung taon.
Nilinaw din ng BSP na maaari lamang pahintulutan ang reproduksyon ng mga banknote ng Pilipinas kung ito ay gagamitin sa educational, historikal, o numismatiko, kung ito ay nakatutulong sa pagpapanatili ng integridad ng salapi at sumusunod sa mga kondisyong itinakda sa nasabing circular.
Naka-isang linggo pa lamang ang impeachment trial sa Senado pero sangkatutak na ang lumalabas na fake news. Asahan ang paglabas ng mas maraming pekeng balita sa mga susunod na araw.
Ang nakakatakot lang, posibleng may naniniwala sa mga nakakabasa ng fake news lalo pa’t karamihan ng mga Pinoy ngayon ay nagbabasa ng anumang ganap sa kanilang smartphone.
Imbes na manood ng mga prank, mga kabalbalan at fake news sa social media, mas mabuti pang panoorin nyo na lang ang Pinay content creator na si Louise Anne Nagal, mas kilala bilang “Lans”, dahil sa kanyang mga educational video at kakaibang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa madlang pipol.
Veterinary medicine student pa lamang si Lans pero nakakaaliw ang mga content nito tungkol sa mga hayop at iba pang paksa, na parang ka-level na ngayon ni Kuya Kim.
‘Yun ngang tungkol sa madalas pagdebatihan na kung “Ano ang nauna? Itlog o manok?” ay maayos niyang naipaliwanag sa mga netizen.
Nakadagdag din sa atraksyon ng vlog ni Lans ang kagandahan nito. May mga nagsasabi tuloy na puwede siyang isahog sa P-pop group na BINI.
Sana, tularan ng ibang content creator ang ginagawa ni Lans hindi yung puro mga kalokohan at kabulasgutan lamang para makarami ng views.
The post Mga kalokohan sa social media first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments