Lagi na lang tayong sinasaktan

Ngayong linggo, muling tatama sa bulsa ng mgamotorista at publiko ang inaasahang P6.50 kadalitro na dagdag-presyo sa diesel at halos kaparehong halaga rin sa gasolina.

Ang dahilan ay malinaw: pandaigdigang krisis sasuplay bunsod ng kaguluhan sa Strait of Hormuz at Bab el-Mandeb Strait—mga rutang kritikal sa daloyng langis sa buong mundo.

Hindi na bago ang ganitong senaryo. Sa tuwingmay tensyon sa Gitnang Silangan, ang Pilipinas—isang bansang lubos na umaasa sa imported nalangis—ay agad na nadadala sa alon ng krisis.

Ang resulta: mas mataas na pamasahe, mas mahal na bilihin, at mas mabigat na pasanin saordinaryong pamilya.

Bagama’t may mungkahi ang economic managers na suspindihin ang excise tax sa kerosene at LPG, hindi kasama rito ang diesel at gasolina.

Ang paliwanag: maliit daw ang magiging epekto saretail prices. Ngunit para sa jeepney driver naaraw-araw bumibili ng diesel, o sa pamilyangumaasa sa gasolina para sa kanilang hanapbuhay, ang “maliit” na epekto ay malaking dagok.

Nagpatupad din ng price caps at rollback rules ang Department of Energy, ngunit nananatiling tanongkung sapat ba ang mga ito upang maibsan ang bigat ng sunod-sunod na pagtaas ng produktongpetrolyo.

Samantala, inihayag ng DOE na bukas ito sapanawagang bisitahing muli ang Oil Deregulation Law. Sa ilalim kasi ng kasalukuyang sistema, ang presyo ay nakadepende sa galaw ng merkado at pribadong kumpanya.

Kung patuloy na ipapasa sa konsumer ang lahat ng pabago-bagong presyo, dapat tanungin: nakikinabang ba talaga ang publiko saderegulasyon, o sila lamang ang nagdurusa?

Hindi maikakaila na tila panandaliang lunas lamangang mga hakbang ng gobyerno. Ang suspensyonng buwis ay parang tapal sa sugat na patuloy nadumudugo. Gayunman, hindi rin simpleng solusyonang pagbabalik sa mahigpit na kontrol ng estado—dahil maaari itong magbunga ng inefficiency at katiwalian.

Ang mas makabuluhang tugon ay ‘diversification’ng energy sources: mas malakas na pagtutulak sarenewable energy, natural gas, nuclear energy at pagtatayo ng mas matibay na strategic reserves. Kung hindi, mananatiling hostage ang ekonomiyasa bawat krisis sa labas ng ating bansa.

Ang paparating na dagdag-presyo ay hindi lamangusapin ng pump stations. Ito ay malinaw nasalamin ng kahinaan ng ating energy security. Kung patuloy na aasa sa deregulasyon at imported oil, paulit-ulit tayong masasaktan sa tuwing may kaguluhan sa ibang panig ng mundo.

Ang hamon sa pamahalaan: huwag lamangmagbigay ng panandaliang relief, kundi maglatagng pangmatagalang estratehiya para sa mura, ligtas, malinis at mas matatag na enerhiya.

The post Lagi na lang tayong sinasaktan first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments