Restitution sa Ombudsman 70-30 hatian?

Naaalala nyo pa ba nang pangakuan tayo ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na magkakaroon ng mga warrant of arrest pagsapit ng Disyembre 2025 at may mga mambabatas na magpapasko sa kulungan.

Lumipas ang Pasko. Lumampas ang lahat ng itinakdang deadline. Nganga pa rin si Juan Dela Cruz..,Nanang Ko po Baying…pinangakuan na nga tayo gusto nyo pang tuparin, abuso na yan!

Pero ang nakapagtataka, ipinakita ng Office of the Ombudsman kung gaano ito kabilis kumilos sa kaso nina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada, ang dalawang senador na hayagang iniuugnay sa political bloc ng mag-amang dating Pangulong Rodrigo Duterte at VP Sara.

Napakabilis ng naging takbo ng kaso ni Marcoleta, Mayo 2026, isinampa sa kanya ang reklamo kaugnay ng umano’y ₱75 milyong ilegal na campaign donations at Hulyo 3, nagsampa ang Ombudsman ng kasong plunder na hindi maaaring piyansahan.

Kinabukasan ay nakitaan ng Sandiganbayan ang probable cause, naglabas ng warrant of arrest, at noong Hulyo 6 ay nakulong si Marcoleta—mismong araw na nakatakdang simulan ng Senado ang pagtalakay sa impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte, kung saan si Marcoleta sana ay magsisilbing Senator-judge sa paglilitis.

Ganoon din ang naging bilis ng kaso ni Estrada, noong Mayo 28, nagsampa ang Ombudsman ng kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y pagtanggap niya ng humigit-kumulang ₱573 milyong kickbacks mula sa mga flood-control projects. Kaagad na sumunod ang warrant of arrest at sumuko si Senador Jinggoy noong Hunyo 1.

Kung kayang imbestigahan, kasuhan, arestuhin at ikulong nang napakabilis ang mga senador na iniuugnay sa kampo ni Duterte, bakit nananatiling malaya ang iba pang malalaking personalidad na paulit-ulit na inuugnay sa iskandalo ng flood-control?

Bakit si Marcoleta na wala naman sa mga senador na unang tinukoy ng Ombudsman noong Nobyembre 2025 bilang malapit nang maaresto ang unang nakulong kaysa sa mga personalidad na sinasabing “handa na” ang mga kaso ilang buwan pa ang nakalipas?

Bakit hanggang ngayon ay nasa preliminary investigation pa rin ang kaso ni Senador Chiz Escudero sa kabila ng paulit-ulit na pahayag na malapit na itong maisampa sa hukuman? Noong Hunyo 29 pa lamang ay sinabi ni Ombudsman Remulla na maaari na itong maisampa sa loob ng dalawa o tatlong linggo. Nagtatanong lang po?

Bakit ang mga kasong ipinangako laban sa iba pang mga “congtractor” na mambabatas at iba pang makapangyarihang personalidad ay umabot ng maraming buwan lampas sa mga deadline na mismong ang Ombudsman ang paulit-ulit na nagtakda?

At dito pumapasok ang tanong na tila iniiwasang sagutin ng Ombudsman:

Mayroon na bang ilang personalidad na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakasuhan dahil nakapag-alok, nakipagkasundo, o nakapagbigay na ng tinatawag na “restitution”?

At sino itong si “Nanang? Ito ba ang tinutukoy sa mga usapin hinggil sa umano’y mga tagapamagitan o “bagman” ng Ombudsman? Ayon sa impormasyon ay 70 porsyento ang napupunta sa mga opisyal at 30 porsyento sa gobyerno, Araguyyy…

Nagtatanong lang po mga mam at sir?

Tama ang pamahalaan sa isang bagay: dapat maibalik ang ninakaw na pera ng bayan. Ngunit hindi maaaring maging lihim na lagusan ang restitusyon upang makatakas sa pag-uusig ang mga makapangyarihang personalidad.

Ang mga tanong na ito ay hindi dapat sagutin sa pamamagitan ng tsismis, anonymous briefings, o haka-haka sa social media.Abangan..

The post Restitution sa Ombudsman 70-30 hatian? first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments