Mas pinalawak pa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang adbokasiya nitong “Taking Care of Our Own” sa pamamagitan ng pakikipagpartner sa Unilab at AKTOR-League of Filipino Actors para sa isang health and wellness program na makikinabang ang mga miyembro ng entertainment industry.
Pormal na nilagdaan ng tatlong organisasyon ang Memorandum of Agreement (MOA) na magbibigay sa mga kasalukuyang miyembro ng SPEEd at AKTOR ng access sa Health and Wellness Program ng Unilab sa loob ng isang taon. Bawat miyembro ay bibigyan ng kani-kanilang membership code upang magamit ang mga benepisyong nakapaloob sa programa.
Layunin ng partnership na matulungan ang mga entertainment editors at aktor na magkaroon ng mas madaling access sa piling mga gamot, bitamina at iba pang health-related benefits bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kanilang kalusugan at kapakanan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni SPEEd President Tessa Mauricio-Arriola na hindi lamang slogan ang kanilang temang “Taking Care of Our Own” para sa taong 2026 kundi isang pangakong isinasabuhay ng organisasyon.
Ayon kay Mauricio-Arriola, nagsimula ang adbokasiyang ito noong Mayo nang magsagawa ang SPEEd ng outreach program para sa kanilang mga retirado at senior members ng entertainment press, kung saan namahagi sila ng tulong pinansyal at mga gamot bilang pagkilala sa kanilang naging ambag sa industriya.
Pinasalamatan din niya ang Unilab sa patuloy nitong suporta sa SPEEd sa loob ng maraming taon.
“Whenever we have reached out for programs that matter to our members and to the industry, they have always responded with kindness, trust and sincerity,” sambit ni Mauricio-Arriola.
Binigyang-diin din niya na ang pag-aalaga sa entertainment industry ay hindi dapat limitado lamang sa entertainment press kundi pati na rin sa mga artista at iba pang manggagawa sa industriya.
Ikinuwento rin niya kung paano naging mahalagang katuwang si AKTOR Chairman at founding president Dingdong Dantes sa pagsasakatuparan ng partnership. Ayon sa kanya, kahit nasa Canada ang aktor para sa shooting ng isang pelikula ay nanatili itong aktibong nakikipag-ugnayan para maisakatuparan ang kasunduan.
Pinuri rin niya si AKTOR President Iza Calzado-Wintle at ang buong organisasyon sa kanilang dedikasyon sa kapakanan ng mga aktor at movie workers.
Aniya, sa pamamagitan ng kasunduang ito, magiging mas madali para sa mga miyembro ng SPEEd at AKTOR ang pag-access sa mga benepisyong pangkalusugan ng Unilab. Isang malaking tulong lalo na sa entertainment industry kung saan hindi palaging tiyak ang trabaho at kita.
Dagdag pa ni Mauricio-Arriola, ang bagong partnership ay isang konkretong pagpapatuloy ng pangakong ginawa ng SPEEd na alagaan hindi lamang ang kanilang mga miyembro kundi maging ang mas malawak na komunidad ng Philippine entertainment industry.
Nagpasalamat din siya kina Claire Papa at sa buong UNILAB team, gayundin kina Dingdong Dantes, Iza Calzado-Wintle at AKTOR sa pagtitiwala sa SPEEd upang magsilbing tulay sa makabuluhang programang ito.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, sinabi ni SPEEd President Tessa na ang naturang inisyatiba ay nagpapatunay na ang tunay na malasakit sa isa’t isa ay dapat laging maging bahagi ng industriya ng aliwan.
Pak!
The post SPEEd, AKTOR nagkaisa para sa health , wellness ng entertainment industry first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments