Ayusin kasi ang pananakot ng basura

Karaniwan na nating naririnig ang pagsisisihan, pagtuturuan kapag naglutangan ang sangkaterbang basura kapag humupa ang ulan tulad ng nangyari sa ilog Paranaque matapos humupa ang Habagat.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naglutangan ang basura dahil taon-taon na nangyayari yan na karaniwang sinisisi ay ang kawalan ng disiplina ng mga tao sa pagtatapon ng basura.

Sinisisi din ang mga gobyerno na kesyo hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho na tiyaking mahakot ang lahat ng uri ng basura para hindi mapunta sa mga kanal na nagpapalala sa baha kapag umuulan.

Wala akong naririnig na paninisi sa mga kumpanyang kinontra ng mga Local Government Unit (LGUs) na maghakot ng basura sa kanilang lungsod o bayan. Lahat ng sisi ay sa mga tao na wala daw disiplina.

Pero pansinin nyo ang mga naghahakot ng basura sa inyong lugar, hindi lahat ay hinahakot. Hindi pulido ang paghahakot nila at sa dami ng lugar na kanilang paghahakutan, kung maiipon ang mga basurang hindi nila nahakot, saan pupunta yan, sa ilog?

Bakit hindi sabihan ng mga LGUs ang mga kontraktor ng kanilang basura na atasan ang kanilang mga tauhan na hakutin ang lahat ng basura, dapat walang maiwan at lahat ng klase ng basura ay dapat hakutin.

Namimili din ng hinahakot ang mga basurero. Yung mga sirang sofa, lumang kama, mga gulong, styrofoam, mga sirang kagamitan, hindi nila hinahakot yan kaya huwag na kayong magtaka mapunta yan sa mga ilog at dagat at lulutang kapag bumaba.

Kung napapansin nyo rin, mas inuuna ng mga tauhan ng mga kumpanyang kinontrata ng mga LGUs na maghakot ng basura, ang pangangalakal o pagkuha ng mga bagay na maaari nilang mapakinabangan at maibenta.

Mas napupuno ng kalakal ang kanilang trak kesa sa tunay na basura. Hindi sa ayaw natin silang maghanapbuhay pero dapat unahin ang paghahakot kesa sa pangangalakal dahil yung ang kanilang trabaho.

Kung hindi kayang disiplihanin ng may-ari ng kumpanya na kinontrata sa paghahakot ng basura ang kanilang mga tauhan, dapat siguro disiplihain ng mga LGUs ang mga kumpanyang ito sa pamamagitan ng pagbawi sa kontrata kung hindi nila mahahakot ang lahat ng uri ng basura.

Kaya naman ng mga LGUs na isurveillance ang mga kontraktor nila kung talagang hinahakot nila ang lahat ng basura, walang naiiwang kahit isang piraso ng plastic kapag naghahakot sila dahil meron naman silang intelligence at confidential funds, maliban lamang kung kay ‘usapan’ na.

Sa katotohanan, walang taong gustong maging marumi ang kanilang paligid kaya wag sila lang ang sisisihin. Kahit taasan mo pa ang multa ng mga mahuhuling nagtatapon ng basura, walang kuwenta yan dahil wala namang nagbabantay at hindi hinahakot ang lahat ng basura sa mga basurahan.

The post Ayusin kasi ang pananakot ng basura first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments