Agree ang mga ayudanatics nating kurimaw na mas delikado ang panahon ngayon kumpara sa nagdaang mga taon. Kahit nga naman sa eskuwelahan, kakaba-kaba ang mga magulang sa kaligtasan ng mga junakis nila.
Bakit nga naman hindi masasabi na scary ang panahon ngayon. Pagdating sa kalamidad na gawa ng kalikasan, aba’y pagkakalakas ng mga ulan ngayon kahit walang bagyo. Kung dati nga eh super typhoon ang nagpapangatog sa tuhod ng mga may mahihinang bahay, ngayon, kahit habagat, kaya nang magpabaha at magpa-landslide.
Kung wala mang bagyo, delikado naman ang lindol dahil sa nakalipas na mga buwan, matitindi ang naitatalang lakas ng pag-uga, hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Pinakabago sa Colombia na mahigit 200 katao na ang patay. Ang lakas ng lindol sa kanila, pinakamatindi sa nakalipas na isang siglo.
May mga lindol na rin na nangyari sa atin na kumitil ng mga buhay gaya sa Mindanao. Pero ang mas kinatatakutan, ang The Big One na tatama sa Metro Manila, na huwag naman sana. Kung wala mang lindol at bagyo, nandyan din ang mga nag-aalburutong bulkan gaya ng Mayon, Taal, at Kanlaon. Huwag ding isnabin ang Pinatubo.
Pagdating sa giyera, hindi pa tapos ang banatan ng Russia at Ukraine, US at Iran, Israel at Hezbollah. Sa Asya, nandiyan ang kiskisan na huwag naman sanang mauwi rin sa bombahan: Japan at China, China at Pilipinas, China at Taiwan, South Korea at North Korea. May iringan din ang India sa Pakistan at China. Aba’y dito mo makikita na ang daming gustong sawsawan ng China.
Pagdating naman sa mga alagad ni Taning, naglipana pa rin sa kalsada ang mga buraot na ayaw kumayod nang patas at mas gustong magnakaw at mangholdap. May mga birador na parang karaoke machine na aandar basta hulugan ng pera. Ang delikado rito, baka magkamali sila ng puntirya at inosente ang mabiktima.
Ang dagdag na alalahanin para sa mga kurimaw natin ang karahasan na mga kabataan ang sangkot. Mas mahirap na nga rin daw maging titser ngayon dahil sa nangyayaring saksakan, barilan, at suntukan sa loob mismo ng mga paaralan. Kaya ang mga magulang, nag-aalala na rin kung safe pa rin kaya ang mga junakis nila sa loob ng paaralan.
May katwiran naman kung mag-alala ang mga magulang dahil na rin sa nangyaring pamamaril kamakailan ng dalawang estudyante sa loob ng isang paaralan sa Tacloban na tatlo ang nasawi at 20 iba pa ang sugatan.
May mga kurimaw nga tayo na napapaisip kung ginaya raw kaya ng estudyanteng namaril sa isang eskuwelahan sa Thailand ang nangyari sa Tacloban. Nasa siyam ang nasawi sa Thailand, kasama ang estudyanteng namaril. Hindi rin niya pinatawad ang kaniyang lolo at lola.
Bukod pa pamamaril sa eskuwelahan, nandiyan din ang insidente ng pananaksak ng estudyante sa loob ng paaralan na nangyari kamakailan sa Las Pinas, na nasawi ang biktimang estudyante rin.
Kahit ang mga guro, nabibiktima rin ng mga haragan na estudyante. Hindi pa kasama diyan ang ginagawang trip ng mga estudyanteng nagbabanta sa social media at text na may mangyayaring gulo sa paaralan kaya nakakansela ang mga klase.
Dahil nga sa mas delikado na ang panahon, wala namang magagawa ang mga utaw kung hindi lakasan ang loob at isipin na bahala na si Batman. Ang problema, baka maasar na si Batman sa dami ng mga umaasa sa kaniya. Eh sino naman kaya ang puwedeng ipalit kay Batman? Tandaan: “Bata nyo ko at Ako ang Spy nyo.”
The post Delikadong panahon first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments