
Binitiwan na si Bea Alonzo ng kanyang manager na si Shirley Kuan. Shokt kami nung isiniwalat ito ng aming source sa amin.
Ayon sa aming source, kumalas si Shirley o SK, kay Bea dahil sa walang puknat na paninira sa kanya mula sa kampo ng malapit sa aktres.
Si SK daw ang pinagbibintangan na nagpa-cancel ng kasal ng aktres noon.
Nung tinanong naman daw si SK ng aming source sa lumabas na intriga sa kanya, ang sagot daw niya ay nangako siya kay Bea na hindi na siya magsasalita dahil nakiusap ang aktres sa kanya.
Tapos nu’ng natuloy ang secret wedding, si Shirley pa rin daw ang ginawang kontrabida.
At nung natuloy ang kasal, si Shirley pa rin daw ang sinisiraan. Natuloy raw ang kasal dahil hindi na nakialam si Shirley.
Sa kabila raw ng pananahimik ni Shirley, kung ano-ano raw nakakarating sa kanila na mga paninira.
Nagtataka naman ang aming source at ibang taga-showbiz na kaibigan ni Shirley sa kabila ng panggigisa kay Shirley ay nananatiling tahimik si Bea.
Obserbasyon ng mga taga-showbiz bakit hindi pinagtanggol ni Bea ang manager? For sure naman alam daw ni Bea ang totoo.
Humanga raw ang mga malalapit na kaibigan ni Shirley sa tapang at tibay ng loob nya sa mga panlalait sa kanya.
Payo pa ng aming source, mas mabuting hintayin na lang na magsalita si Shirley at sigurado magsasabi ‘yan ng totoo.
Sa true lang, matagal nang kilala si SK sa showbiz. Hindi na-involve sa mga maruruming issue at nasangkot sa mga eskandalo sa showbiz.
Pero kapag naman nadawit ang name niya at sinaraan siya, kwidaw ang mga bumabatikos sa kanya.
Palaban, matalino at very professional niyang haharapin ang mga isyung ibinabato sa kanya.
Samantala, bago bitiwan ni Shriley ang career ni Bea nauna na palang tsinugi umano ng aktres ang kanyang handler na si Nina Ferrer.
Ayon ‘yan sa mga kaibigang handlers ni Nina.
At bagaman tsinugi si Nina, maayos naman daw ang pag-abiso niya sa mga nagi-inquire for Bea.
The post Bea Alonzo binitawan ni SK first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments