Mga promotor na site sa karahasan hinaharang ng Globe, proteksiyon online mas hinigpitan

Suportado ng Globe ang mga hakbang upang pigilan ang access sa online content na nagpapakita ng mga pamamaril sa paaralan at iba pang matitinding karahasan, habang lumalaki ang pangamba sa pagkakalantad ng mga bata at kabataan sa mapanganib na content online.

Sinabi ng kompanya na matagal nang bahagi ng kanilang pamamaraan para sa online safety ang proactive network-level blocking. Noong 2025 lamang, hinarang ng Globe ang 438,446 domain at URL na naglalaman ng child sexual abuse and exploitation materials (CSAEM), na sinuportahan ng mahigit US$2.7 milyon na pamumuhunan sa mga advanced content filtering at blocking systems.

Lumampas din ang kompanya sa mga umiiral na requirement sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga hakbang sa proteksiyon upang saklawin ang mga non-photographic imagery at, mula Agosto 2024, ang AI-generated child sexual abuse materials.

Bilang tugon sa mga naganap na karumal-dumal na insidente, hinaharang ng Globe ang karagdagang daan-daang website na nag-i-stream o nagho-host ng ilegal na gore-related content o mga materyal na may kaugnayan sa matinding karahasan, alinsunod sa mga kamakailang kautusan ng mga ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas.

“We have a responsibility to help make the online environment safer, especially for children and young people. As new risks emerge, we need to keep looking at what more we can do. The recent school shooting incident is one opportunity where the industry can work together by removing sites that induce violence in our networks. At Globe, we are ready to do our part and protect children online,” ani Atty. Froilan Castelo, Globe General Counsel.

Patuloy na nakikipagtulungan ang Globe sa pamahalaan at mga lokal at internasyonal na organisasyon, kabilang ang Internet Watch Foundation (IWF) at Canadian Centre for Child Protection (C3P), na sumusuporta sa mga pagsisikap na matukoy at mapigilan ang access sa mapanganib at ilegal na content. Habang nagbabago ang mga banta online, patuloy na paiigtingin ng Globe ang mga hakbang nito para sa kaligtasan at susuportahan ang mga pagsisikap tungo sa mas malawak at koordinadong pagkilos ng industriya.

The post Mga promotor na site sa karahasan hinaharang ng Globe, proteksiyon online mas hinigpitan first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments