Kamilla del Mundo hanep sa US Kids World Golfest

Binida ni Kamilla Edrianna Guerrero del Mundo ang ‘Pinas nang mamayagpag sa katatapos na Girls’ 10 division ng 27th U.S. Kids Golf World Championships 2026 sa Pinehurst, North Carolina, nagmarka ng isang matagumpay na kampanya ng bansa sa tatlong araw na kompetisyon.

Umiskor ang tubong Bacoor, Cavite at ang ama ay si Ed del Mundo, ng 3-round, 17-under-par 199 total para daigin si Zizi Townsend ng United sattes ng isang stroke at makuha ang korona.

Wagi ang batang Del Mundo sa isang malakas na internasyonal na grupo ng mga batang golfer na may edad na 5-12 na nakipagkumpetensya sa mga course sa paligid ng Pinehurst area.

Ang karangalan ang pinakabagong tampok ng isang kahanga-hangang tag-init para sa batang Pinay, na nakakuha na ng tatlong pangunahing kampeonato sa Estados Unidos.

Bago ang panalo sa Pinehurst, wagi na rin siya sa girls’ 9-10 division sa Junior World Golf Championships sa San Diego, California, panalong tumuldok sa pitong taong tagtuyo ng bansa para sa titulo sa prestihiyosong paligsahan.

Pumrimera rin siya sa parehong kategorya ng edad sa Future Champions Golf International Championships sa San Marcos, kung saan nagsalpak siya ng iskor na 57 para sa 114 total.

Ang pananalasa ni Del Mundo ay lalo pang naggiit sa kanya bilang isa sa mga promising na batang golfer ng ‘Pinas sa international junior circuit. (Adrian Co)

The post Kamilla del Mundo hanep sa US Kids World Golfest first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments