Office of Civil Defense kinukumpirma 14 bagong namatay sa habagat

Bineberipika pa ng Office of Civil Defense (OCD) ang 14 na bagong naiulat na namatay dulot ng habagat o southwest monsoon.

Ayon kay OCD Assistant Secretary Raffy Alejandro IV nitong Lunes, Agosto 31, kapag nakumpirma ang mga bagong ulat na ito, aakyat na sa 47 ang kabuuang bilang ng mga naiulat na nasawi mula sa kasalukuyang death toll na 33.

Kabilang sa mga bagong naiulat na nasawi ang siyam na indibiduwal na nalunod sa San Marcelino, Zambales.

Dalawa naman ang naiulat na namatay dahil sa pagguho ng lupa sa bahagi ng SCTEX Subic Freeport Zone, habang isa pa ang nasawi sa parehong insidente ng landslide sa Porac, Pampanga.

Naitala rin ang tig-isang kaso ng pagkalunod sa lungsod ng Olongapo at sa Capas, Tarlac.

Bukod sa mga nasawi, sinabi rin ni Alejandro na may apat na bagong indibiduwal ang naiulat na nawawala matapos bumagsak ang Agana Bridge sa Tarlac.

Kapag naisama ang mga ito sa opisyal na talaan, tataas sa pito ang kabuuang bilang ng mga nawawala mula sa dating tatlo lamang. (Issa Santiago)

The post Office of Civil Defense kinukumpirma 14 bagong namatay sa habagat first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments