Macalintal aakyat sa SC kontra bagong batas sa barangay, SK eleksiyon

Nakatakdang kuwestyunin ng election lawyer na si Romulo Macalintal sa Supreme Court (SC) ang bagong batas na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Macalintal, plano niyang magsampa ng petition for certiorari, dahil naniniwala siyang nilalabag ng batas ang karapatan ng mga botante sa pagboto.

“Because this measure strikes at the heart of our democracy and reflects a grave abuse of discretion, voters like me are left with no choice but to bring this matter before the Supreme Court via a Petition for Certiorari,” paliwanag ng abogado.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326, kung saan awtomatikong gaganapin ang susunod na BSKE sa Nobyembre 2028.

Mapapahaba rin mula apat tungo sa limang taon ang termino ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK.

Iginiit din ni Macalintal na hindi sapat na dahilan ang mga kalamidad para ipagpaliban ang halalan at sinabing taliwas ito sa naunang desisyon ng SC sa Macalintal v. Comelec noong 2023. (Angelica Malillin)

The post Macalintal aakyat sa SC kontra bagong batas sa barangay, SK eleksiyon first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments