Mark Villar bumaligtad sa minority

Sorpresa ang boto ni Senador Mark Villar na pabor ibaba ang voting threshold para ma-convict sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte.

Kabilang si Villar sa minority group kasama ang kanyang kapatid na si Senador Camille Villar. Gayunpaman, sa botohan ng impeachment court nitong Miyerkoles, Setyembre 23, hinggil sa isyu ng pagbaba sa voting threshold ay humiwalay ito sa minority at bumoto kasama ng majority.

Una rito ay nag-abstain naman siya sa pagtatangka ng minority bloc na harangin ang threshold vote.

Mag-isa lang siya mula sa minority bloc na lumahok sa botohan para ibaba ang voting threshold sa impeachment trial ni Duterte habang ang kanyang mga kasamang sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Robin Padilla, at kapatid na si Camille ay binoykot ang proseso ng botohan.

Wala pang pahayag mula sa kampo ni Mark Villar hinggil sa paghiwalay niya sa minority kaugnay ng isinagawang botohan.

Kagaya ng ilan pang senador, may kinakaharap ding mga kasong kriminal at administratibo ang magkapatid na Villar at ang kanilang pamilya kaugnay ng isyu sa PrimeWater Infrastructure Inc.

Dalawang graft complaints ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa mga Villar at iba pang opisyal ng mga local water district kaugnay ng umano’y hindi maayos na serbisyo ng PrimeWater.

Kabilang sa mga kinasuhan ang magkapatid na senador, ang kanilang mga magulang na sina Manuel at Cynthia, at kapatid na si Paolo.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nabuo ang rekomendasyong kasuhan ang mga Villar matapos ang halos anim na buwang imbestigasyon sa mga joint venture agreement ng PrimeWater sa iba’t ibang local water district mula 2015 hanggang 2022.

Sinabi ni Clavano na ang mga Villar ang beneficial owners ng PrimeWater. May kaugnayan ang mga reklamo sa kabiguan umano ng PrimeWater na makapagbigay ng sapat at maayos na serbisyo ng tubig sa mga lugar na sinusuplayan nito.

The post Mark Villar bumaligtad sa minority first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments