Sey mo Josh Ford? Kira Balinger ‘di type si JM Ibarra

Naging malaking kontrobersya ang mga sikretong binuksan ng tambalang JMFyang nina JM Ibarra at Fyang Smith nang maging panauhin sila sa show ni Vice Ganda.

Tulad ng Pandora’s box, naging paborito itong topic na pagpiyestahan ng mga katkatera at sawsawera.

Ayon kasi sa salaysay ni Fyang, may isang babaeng nagyaya kay JM sa isang event para umakyat sa kwarto nito.

Sa kanyang pa-blind item, nagbigay pa ng clue ang kontrobersyal na aktres tungkol sa girl.

Aniya, nangyari umano ito sa unang pagdalo nila ni JM sa ABS-CBN Ball.

Sey pa niya, Inglesera raw si girl .

Saad pa niya, aware raw siya sa nangyari dahil sinabi ito sa kanya ni JM.

Bagamat wala namang binanggit na pangalan sina Fyang at JM kung sino ang babaeng kanilang tinutukoy, nagkanya-kanyang hula ang netizens.

Isa sa mga pangalang kinaladlkad sa online ay ang name umano ni Kira Balinger.

Recently, nagbigay naman ng pahayag ang kampo ni Kira hinggil sa isyu.

Tahasan nitong itinangi ang pinagpipiyestahan ngayon ng mga Marisol.

Ang statement ay ni-repost din ni Kira sa kanyang socmed account.

May nakakaintriga pa itong caption na:”Afam po ang type ko [heart emoji].”

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang naturang development nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

Ito ang ilan sa kanilang hirit.

“Sey mo,JMFyang, afam ang type ni Kira.”

“Kung afam, it must be Josh Ford.Hahaha.”

“True. Napanood mo ba ang vlog ng KiSh sa Hongkong.Galawang magdyowa na sila.”

“Sobra namang GGSS si JM.”

The post Sey mo Josh Ford? Kira Balinger ‘di type si JM Ibarra first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments