P190B singit-budget ng Kamara binuking

Ang mga lider ng Kamara de Representantes ang may pinakamalaking insertions sa panukalang 2027 national budget na walang kalakip na dokumento, ayon sa People’s Budget Coalition (PBC).

Ayon sa koalisyon, sinuri nila ang lahat ng 18,600 items sa budget para sa mga infrastructure project at natuklasang nagpasok ang Kamara ng 7,054 proyektong nagkakahalaga ng P190 bilyon.

Sa panayam ni Korina Sanchez-Roxas sa programang “Memo with Korina” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni PBC convenor Ken Abante na may panganib na magkaroon ng “flood control scandal season 2” kung hindi mababantayan ang panukalang pondo ng gobyerno para sa susunod na taon.

“Sinabi nga po namin, we’re warning the public na puwedeng magkaroon ng Flood Control Scandal Season 2 if we allow the House budget to pass as is,” sabi ni Abante.

Wala umanong kalakip na dokumento ang budget para sa mga infrastructure project, gaya ng program of works, na magagamit ng ordinaryong mamamayan upang maberipika kung tama ang mga ito. Wala rin umano sa orihinal na National Expenditure Program na isinumite ng Malacañang ang mga naturang insertion.

Nilinaw ni Abante na wala silang problema sa mga amiyenda at kinikilala nila ang kapangyarihan ng Kamara at Senado sa pondo ng bayan. Ang hiling lamang nila ay maglabas ng maayos na project documents upang makita ng publiko kung tama ang mga inilalaan.

“Sila po ‘yung namumuno sa House of Representatives, sila rin po ‘yung may pinakamalaking insertions na walang dokumento,” ani Abante.

“So makikita n’yo po… whoever holds the power has the most insertions. And the more insertions they have, the more accountable they have to be to produce all the project documentations that they need,” giit pa niya.

Dagdag ni Abante, mas bukas sa mungkahi ng civil society groups ang Senado, habang hinarang umano ng Kamara ang partisipasyon ng mga grupo.

Nagkaroon aniya ng tatlong oras na briefing ang koalisyon kina Senate President Sherwin Gatchalian at Senador JV Ejercito noong nakaraang Huwebes.

Plano ng koalisyon na ilunsad sa Sabado, Oktubre 24, ang People’s Budget Research Alliance, kasama ang iba’t ibang unibersidad, upang suriin ang mga proyekto sa Kamara.

“To prevent this flood control scandal again from happening,” ayon kay Abante.

Samantala, nakatakda naman aniya sa Oktubre 26 ang pagdinig ng Senado para sa mga civil society organization. (Issa Santiago)

The post P190B singit-budget ng Kamara binuking first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments