Kumakalat ngayon sa social media ang “open letter” ng isang ginang kung saan naglabas ito ng mga sama ng loob at humihingi ng tulong para maaksyunan ang Green GSM management kaugnay sa kanyang mga reklamo.
Gamit ang Facebook account name na Carding Dimagiba, inihayag ng ginang na humihingi siya ng agarang atensyon dahil sa “working conditions” na nararanasan ng kanyang mister sa Green GSM Cebu site, na nasa ilalim umano ng superbisyon ng isang operating supervisor na kinilala lang bilang “Ms. Charise.”
Sa sulat ng ginang, ibinunyag nito na nakaranas ng “severe stomach pain” ang kanyang mister at hindi nakapasok sa trabaho. Pero sa kabila ng kanyang kondisyon ay nagawa umano ng mister na makapasok kinabukasan dahil seryoso ito sa kanyang trabaho.
Ang labis na ipinag-aalala ng ginang ay ang dumaraming workload at quota umano para sa mga empleyado ng Green GSM.
“The original setup was P1,500 quota for 1 driver with 1 vehicle. My husband was later assigned with another driver sharing 1 vehicle, meaning two drivers have to divide their time and resources. Yet, they were still expected to achieve P1,500 each,” ayon sa salaysay ng ginang.
Gayunman, dinagdagan pa aniya ang quota ng P2,500 para sa bawat driver, o P5,000 kada isang sasakyan sa bawat araw.
Ang lalo pa niyang ikinabahala ay ang requirement umano sa kanyang mister na magtrabaho ng tuloy-tuloy sa loob ng 24 oras, at tinanong pa kung kayang ituloy hanggang 32 oras.
“After working continuously for 24 hours, my husband became extremely fatigued and developed a fever. As a wife, it is heartbreaking and frightening to see someone you love become sick because of excessive work and lack of rest,” lahad ng ginang.
Giit niya na hindi sila humihingi ng special treatment para sa kanyang mister.
“I am asking for fairness, accountability, and proper consideration of employee health and safety,” giit niya.
Nanawagan ang ginang sa Green GSM management na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon at huwag basta na lamang tatalikuran ang reklamo sa kanila.
Kasabay nito, nanawagan din siya ng tulong mula sa mga opisyal ng pamahalaan lokal, partikular kina Cebu City Mayor Nestor Archival Sr. at Cebu Governor Pamela “Pam” Baricuatro.
The post Green GSM inireklamo sa lagpas 24 oras trabaho ng mga driver first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments