
Nagpaliwanag si Zaijan Jaranilla sa nag-viral na video niya kung saan sinita niya ang nagtanong sa teen star tungkol sa pagpapa-seksi.
Dinepensahan ni Zaijan ang 14-year old na si Kanye Avendan̈o sa nagtanong kung tatanggap siya ng offer para gumawa ng proyekto sa Vivamax.
Sinabi ni Zaijan sa reporter na mag -ingat sa ganoong uri ng tanong.
Paliwanag ni Zaijan, “Honestly parang di ko na po napag-isipan. Parang instinct ko na lang na gawin yun out of ano na rin siguro, hindi naman sa pangbabastos. Parang uh, respeto na lang din po du’n sa bata. Parang kahit papano, yun nga po dahil underage siya.”
Bukod doon, nakita rin daw ni Zaijan ang initial reaction nu’ng child star sa ibinato na tanong sa kanya.
“Tapos uh, nakita naman po natin doon sa initial reaction niya na parang hindi niya alam kung paano sasagutin, kung ano yung sasabihin niya,” lahad ni Zaijan nung nakorner namin siya sa mediacon ng 14th QCinema international Film Festival.
Dagdag pa ni Zaijan, “So, nakita ko po ‘yung reaction niya na ‘yun at, parang nakita ko na uncomfortable siya. Kaya parang nabasa ko po kung ano ‘yung nasa sa loob niya.”
Kasama ang short film ni Zaijan sa QCinema International filmfest na magsisimula sa Nobyembre 13 hanggang 22.
Pero ‘di raw niya ginawa ‘yun sa child actor dahil naranasan niya rin ang kaparehong insidente noong bata pa siya sa showbiz.
“Hindi naman po sa naransan. Parang, basic common sense na rin po kasi ‘yun. Sa panahon natin ngayon mas kailangan nating maging sensitive sa mga gusto nating sabihin.
Sensitive po kasi yun,” esplika pa ni Zaijan.
Tumpak!
The post Zaijan Jaranilla nagpaliwanag sa pinagtanggol na minor first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments