Kathryn Bernardo kinabog ni Jolina Magdangal

For sometime, hindi mawawala sa top 10 TV shows sa streaming platform ng Netflix ang seryeng “Someone Someday ” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador.

Mula September 28 hanggang October 2 ay nasa no.2 spot ito base sa weekly rankings ng FlixPatrol.
Noong October 5 hanggang 11 ay bumaba naman ang puwesto nito sa No.6.
Nanatili rin ito sa No.6 mula October 12 to 18.
Pagpasok naman noong October 19, ligwak na ito sa listahan.
Pinataob ito ng ‘Mommy Guard’ nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na nag-land sa no. 8.
Noon namang October 20 ay tumaas sa No.6 ang serye ng MarJo samantalang muling nagpakita ang serye ni Kathryn sa No.10.
Hindi naman matinag na nasa top 5 ang seryeng “The Master Cutter” ni Dingdong Dantes.
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang development na ito.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“May sawa factor na kasi ang serye ng KathJames.”
“Lumalaylay na ang kuwento. Nakakaumay ang paulit-ulit na flashback.”
“Walang chemistry sina Kathryn at James.”
“Ang haba ng kantahan ni James na di nakatutulong sumulong ang kuwento.”
“Maganda ang simula pero ngayon ay nakakabagot na.”
“Mas napapansin pa ang supporting cast.”
“Ang bagal at babaw ng takbo ng kuwento.”

The post Kathryn Bernardo kinabog ni Jolina Magdangal first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments