Luka Doncic kapos sa triple-D, Lakers sinubsob pa rin Hawks

Pinaglaruan ni Luka Doncic ang triple-double sa kinamadang 32 points, 8 rebounds, 10 assists at kinubabawan ng Los Angeles Lakers ang Atlanta Hawks 124-114 sa NBA regular season nitong Lunes ng gabi, Nob. 10 sa State Farm Arena.

Bumalik si Doncic mula isang larong pagliban para ipahinga ang pananakit ng likod, si Austin Reaves (illness) naman ang ginarahe ng Los Angeles (10-2) isang araw matapos bumomba ng 43 points sa 121-116 win laban sa Detroit.

Bumakas si Walker Kessler ng 21 points, 10 rebounds, may 18 points at 6 assists off the bench si Collin Sexton at pinahaba ng Lakers ang winning streak sa anim.

Solido rin ang ambag ni Sandro Mamukelashvili na 23 points, 5 for 8 mula 3-point range. Overall, 15 for 35 mula long distance ang LA.

Binunot mula sa bench si CJ McCollum at nagsumite ng team-high 21 points sa Atlanta (7-5). May 20 markers si Nickeil Alexander-Walker, 16 kay Oneka Okongwu.

Nagpreno sa apat ang winning streak ng Hawks.

Si Dyson Daniels ang pangunahing ikinulambong defender ni Doncic. Nakapag-ambag pa si Daniels ng 10 points tampok ang bihirang 3-pointer, 8 assists at 4 steals.

Nagpundar ng 20-point lead ang Los Angeles sa second quarter. Sinet-up ng 8 assists ni Doncic sa first half ang teammates, may tatlong easy alley-oop dunks si Kessler mula sa drives ni Sexton sa basket.

Nakarekober ang Atlanta sa dulo ng half, nailapit ang hinahabol sa siyam sa break.

Tinapyas ng Hawks ang deficit 115-111 sa basket ni Daniels 3 1/2 minutes pa, nag-counter ng 6-0 spurt ang Lakers. May drive at assist si Luka sa mini-run. (Vladi Eduarte)

The post Luka Doncic kapos sa triple-D, Lakers sinubsob pa rin Hawks first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments