Stephen Curry, Golden State pinalubog ang New Orleans

Tumipa si Stephen “Steph” Curry ng 25 points sa 20-plus minutes lang, binak-apan ng 23 pts., 7 rebounds, 4 assists ni Yaxel Lendeborg, at pinulbos ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans 138-87 sa NBA regular season sa Chase Center nitong Lunes ng gabi, Nob. 9.

Mula sa floor ay 6 of 10 si Curry tampok ang apat na 3s. Nakaipon na siya ng 26,803 points, nilagpasan na si DeMar DeRozan (26,800) sa 16th place ng league career scoring list.

May 25 markers din si Brandin Podziemski sa pangwalong sunod na panalo ng Warriors 11 sabak. Nag-ambag si reserve Charles Bassey ng 12 points 10 boards, may 16 points si De’Anthony Melton mula sa apat na treys.

Tatlong player ng Golden State ang umiskor ng 20 o higit pa sa pangalawang laro ngayong season, tumapos pa ang Warriors ng 30 o higit pang assists (37) sa ikatlong sunod na panalo.

Nasa sideline si injured guard Jimmy Butler na nakasuot ng uniform ng coaching staff, hawak ang clipboard na sinulatan niya ng ‘PASS TO STEPH’.

Tanging ang 16 points off the bench ni Derik Queen at 12 ni Dejounte Murray ang pumalag para sa Pelicans (4-7).

Iwan na ang New Orleans 35-20 pagkatapos ng first quarter, natambakan na 72-43 sa break tungo sa ikatlong sunod na talo kasunod ng four-game winning streak.

Pagkatapos ng laro ay nagpalitan ng jerseys sina Lendeborg at Pelicans guard Jordan Poole. Pareho silang stars noon ng Michigan Wolverines. (Vladi Eduarte)

The post Stephen Curry, Golden State pinalubog ang New Orleans first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments