Bahay ni Claudine Barretto, naputulan ng kuryente?

GORGY RULA

Nagulat ako sa pinag-usapan nina Atty. Ferdie Topacio sa online show nina Lolit Solis at Cristy Fermin kasama si Mr. Fu.

Naputulan daw ng kuryente ang bahay na tinitirhan ni Claudine Barretto.

Ayon kay Atty. Topacio, nagulat siya nang pumunta siya sa bahay ni Claudine na madilim. Iyon lang daw ang bahay na madilim sa buong village.

Wala raw sina Claudine sa bahay dahil nag-stay muna ang mga ito sa tahanan ni Monmy Inday.

Tinulungan daw ni Atty. Topacio at ng pamilya ni Claudine ang aktres na maayos ang problema nito sa Meralco.

Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataong makausap si Claudine para makumpirma kung naputulan nga ba sila ng kuryente. Kasi, ang buong akala ko, hindi muna nagpuputol ang Meralco hanggang end of December.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Claudine kung pinutol nga ba o nagkaproblema lang sila sa Meralco.

Kahit sina Manay Lolit ay parang di makapaniwalang sa estado ni Claudine ay mapuputulan pa ito ng kuryente.

JERRY OLEA

Nitong nakaraang dalawang araw-araw, panay-panay ang pasasalamat ni Claudine sa Instagram sa mga nagregalo sa kanya.

Patunay iyon na marami pa rin ang nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya, at handang dumamay.

Hintayin natin ang paglilinaw sa tsikang naputulan ng ilaw ang bahay ni Claudine. Huwag tayong pakuryente sa huwad na bali-balita.

NOEL FERRER

Kailan kaya maiibsan ang mga bagahe ni Claudine Barretto sa buhay? Sana, soon!

[ArticleReco:{"articles":["155795","155810","155803","155799"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments