Pumanaw na ang misis ng ‘70s singer na si Ray-An Fuentes na si Mei-ling dahil sa kumplikasyon dulot ng COVID-19.
Ibinahagi ni Ray-An ang malungkot na balita sa kanyang Facebook page nitong Linggo, December 27 (December 28 sa Pilipinas).
Si Mei-ling ay 68 anyos.
Bahagi ng post ni Ray-An: “We finally just had to release her to the Lord because the other possible reality is brain damage. We didn’t want her to suffer anymore.
“I AM SOOO HEARTBROKEN [crying face with tears emoji] THIS IS SOOO PAINFUL."
Lubos naman ang pasasalamat ng singer sa mga nagdasal para sa kanyang asawa.
Si Ray-An ay dating miyembro ng New Minstrels at ng contemporary nitong sikat na bandang Circus Band.
Sina Ray-An at Tillie Moreno ang nagpasikat ng awiting "Umagang Kay Ganda."
Nakasama rin noon ni Ray-An sina Joey Albert, Hajji Alejandro, Chad Borja, at Jacqui Magno.
Sa kasagsagan ng kanyang career, iniwan ni Ray-An ang local music industry.
Tinutukan niya ang pagiging full-time minister at nagpunta silang mag-asawa sa iba't ibang lugar sa mundo para ipakalat ang mga salita ng Diyos.
Kasalukuyang nakabase sa Canada si Ray-An at ang kanyang pamilya.
“PRAYERS PLEASE”
Iniulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakaroon ng COVID-19 nina Ray-An at Mei-ling noong December 4, 2020.
Base sa Facebook timeline ni Ray-An, November 27 ay nagpa-COVID-19 test ang kanyang pamilya.
Lumabas ang resulta pagkalipas ng dalawang araw.
Bukod kina Ray-An at Mei-ling, nagpositibo rin sa COVID-19 ang dalawa sa tatlo nilang anak.
Pagsapit ng December 20, ipinost ni Ray-An na makakauwi na siya dahil gumaling na mula sa virus.
Pero hindi ang kanyang asawa, na nanatili pa rin sa intensive care unit at nilapatan ng oxygen support.
Kinabukasan, December 21, nag-update si Ray-An at sinabing muntik nang pumanaw ang kanyang misis. Pero nakuha raw sa dasal at bumuti ang oxygen intake ni Mei-ling sa ICU.
Ani Ray-An, bawat oras na buhay ang kanyang misis ay malaking milagro at pasasalamat na sa kanila.
"So Mei gets to live another day. Our prayer is never to get any more of those stressful phone calls again.
"That her oxygen intake will not drop again but steadily rise. Any incremental improvement we receive it with a grateful heart."
December 23, nag-post si Ray-An na hindi magiging “merry” ang kanilang Pasko dahil nasa ospital pa rin ang kanyang kabiyak.
“But the Fuentes’ fam is not going to have a 'merry' Christmas this year. Never entered our minds that it would be like this this year.
“My precious wife and mother of my sons and daughter is going to spend it in the ICU,” sabi ng dating OPM singer.
Pero patuloy raw ang pagkapit nila sa pananalig na didinggin ang kanilang panalangin.
Mismong araw ng Pasko, bumati pa rin ng Maligayang Pasko si Ray-An. Kalakip nito ang throwback photo ng kanilang pamilya: silang mag-asawa, kasama ang dalawa nilang anak na lalaki at isang anak na babae.
Ngayong Martes, December 29, nag-alay ng tribute si Ray-An sa kanyang pumanaw na misis.
Nag-post siya ng larawan nang ipagdiwang nila ang kanilang 40th wedding anniversary noong March 2019.
[facebook:https://ift.tt/37Wtyst]
[ArticleReco:{"articles":["155803","155807","155808","155794"], "widget":"Hot Stories"}]
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
0 Comments