Naapektuhan ng Covid-19 sa taong ito ang buong mundo, damay ang sports at isa sinapol ang pinakaiintay ng lahat ng atleta na 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan na nitong July dapat ganapin.
Pero dahil sa epekto ng pandemya, ni-reset ang quadrennial sportsfest, sa Hulyo 2021 na lang na rito’y asam ng Pilipinas na makuha ang kauna-unahang gold medal sapul nang lumahok sa ikawalong edisyon pa lang ng paligsahan sa Paris, France noon pang 1924.
Labis din ang tama sa bansa ng pandemic. Pero hindi naging sagabal ito para sa ilang atletang Pinoy na maging sports heroes pa rin sa matatapos ngayong taong 2020.
Ilan sa labis nagpasiklab sa kani-kanilang disciplines sina karateka Orencio James Virgil de los Santos, Olympic-bound pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Caloy Yulo, at boxer Eumir Flix Marcial.
Maging ang mga boksingero ring sina John Riel Casimero at Reymart Gaballo habang may good vibes ding hatid sina bowler Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno at basketball players Kai Zachary Sotto at Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III.
Dahil sa COVID at pagbabalewala sa ng national sports association (NSA) niyang Karate Pilipinas Sports Federation Inc. , ipinasya ng 30-anyos, may taas na 5-5, tubong Cebu pero nakabase sa Maynila na si De los Santos na magpokus sa mga online kata o e-kata international tournaments sa may siyam na buwang pinagkaabalahan – Marso hanggang Disyembre.
Kaya pagsapit ng October, ang International Shotokan Karate Federation (ISKF) bet at Maharlika Karatedo Kai of the Philippines International (MKKPI) coach na, angh top-rank karateka sa world rankings ng e-kata individual male seniors category hanggang matapos ang 2020.
Tampok sa bagsik ng karatista ang distinction na highest scorer sa world online kata na 26.1 points na nirehistro niya sa Katana Inter-Continental Karate League e-Tournament nitong Oct. 26.
At para pakaligtaan sa mga kababayan ang masaklap na taon na hatid din ng pagsabog ng Bulkang Taal at mga bagyo, gaya ni Ulysses, tumabo ng 36 gold medals na may tatlong hat trick sa loob ng mahigit tatlong lingo, tampok ang nito lang Pasko sa mga tagumpay si Delos Santos.
Nagpalakas sa kanyang tsansa na mag-qualify sa Tokyo Games kung kakaligtaan ng KPSFI ang pulitika sa sports.
Matindi rin ginawa ni Obiena, 25, 6-2, at isinilang sa Tondo, Maynila sa pagsungkit ng isang gold, dalawang silver at tatlong bronze medal sa European campaign habang nagti-training camp sa Formia, Italy bilang paghahanda sa TokyoOlympics para ipagbunyi rin ng mga kababayan.
Sinimulan niya ito sa silver sa 13th Trivento International meet in Trieste, Italy, bronze medal sa Monaco Diamond Leauge nitong Aug. 14, silver sa Fine Guard virtual meet sa Formia Aug. 17.
At nakopo ang mailap na gold sa World Athletics Continental Tour 59th Ostrava Golden Spike tournament sa Ostrava, Czech Republic sa season best 5.74m nitong September 8.
Sinilat ni Obiena sina three-time world indoor champion at 2012 London Olympic gold winner Renaud Lavillenie ng France (silver), 2016 Rio de janeiro Olympic bronze medalist Sam Kendricks ng USA (bronze) at ang nag-fourth lang na si 2016 RDJ Olympics champ Thiago Braz ng Brazil.
Naka-bronze medal din siya sa Poznan Athletics Grand Prix, Poland at sa 2020 Rome Diamond League, Italy nitong Sept. 11 at 17.
Pasiklab nitong June 17 si Fide Master Sander Severino nang pamayagpagan ang International Physically Disabled Chess Association (IPCA) World Online Chess Rapid Championship. Na-diagnozed na may muscle dystrophy sa murang edad, pinisak ng 34-year-old woodpusher ang mga karibal na ila’y former world champions sa iniskor na 8.5 points sa nine games.
Nag-co-champion din siya sa isa pang world online tilt ilang buwan bago ito ang isang ito para maging ikalawang Pinoy na kampeon sa mundo sa sport sa pagsunod na kay Grandmaster Mark Paragua, na namayagpag sa world kiddies blitz noong 1998.
Naghari si Philippine-born GM Wesley So sa World Fischer Random 2019 pero Estdos Unidos ang kinakatawan niya.
Good vibes din sa PH sport ang pagqualify sa 2020 Olympics ni Marcial sa pagdemolis kay Byamba-Erdene Otgonbaatar ng Mongolia sa Asia/Oceania qualifying tournament Amman, Jordan nitong March bago nag-professional noong Hulyo.Tat sa unang pro fight wagi sa desisyon kay American Andrew Whitfield sa four-round middleweight bout sa Los Angeles nitong December.
Gaya nina Obiena at Marcial, pinaramdam din ni Yulo ang kahandaan sa Olimpiks nang mag-silver sa men’s vault ng 53rd All-Japan Seniors Gymnastics sa Gunma Prefecture nitong September at makadalawang bronze sa 74th All-Japan Gymnastics Championships — floor at vault events – sa Gunma pa rin sa huling buwan ng taon.
World No. 1 siya sa men’s floor exercise sa International Gymnatics Federation (FIG) sa wakas ng 2020.
Sa pagkilatis sa kanilang mga galing, kinuha ng Ignite para maglaro sa G League sa Estados Unidos nitong May si Sotto, at nang sumunod na buwan ng Hunyo, si Ravena ang tinapik bilang Asian import para sa Japan B.League.
Maipagmmalaki rin ang pagkilala ng Guiness Record kay Rafael Nepomuceno na may pinakamaraming singles title sa tenpin bowling sa na tumaas na sa 133;
Pagdemolis ni Casimero kay Ghana’s Duke Mica via third round technical knockout win sa Uncasville, Connecticut nitong September para mapanatili ang kanyang World Boxing Organization (WBO) world bantamweight title.
At ang split decision victory ni Gaballo Puerto Rican opponent Emmanuel Rodriguez pata madale ang interim World Boxing Council bantamweight championship nitong December sa Connecticut din. (Ramil Cruz)
The post De los Santos, Obiena, Severino kuminang first appeared on Abante Tonite.
0 Comments