Guji Lorenzana, may version ng "I'll Never Let You Go" na pinasikat ng kanyang Tita JoAnne noong '80s

Six years old si Guji Lorenzana nang sumikat sa Pilipinas noong 1987 ang "I’ll Never Let You Go," ang hit song ni JoAnne Lorenzana.

At ni minsan, hindi raw pumasok sa isip niyang darating ang araw na magkakaroon siya ng cover version ng kantang pinasikat ng kanyang tita.

Paliwanag ni Guji: "Si Tita JoAnne, first cousin ng daddy ko. Six years old ako nang sumikat ang 'I’ll Never Let You Go.'

"I remember Tita JoAnne on TV singing this song when I would visit the Philippines before.

"I remember asking my dad if we were related because we had the same last name."


Si Guji ay contract artist ng Viva Records, at naisip niyang gumawa ng sariling version ng "I’ll Never Let You Go" bilang tribute kay JoAnne. 

Ayon kay Guji, ang tiyahin niya ang kumumbinsi sa kanyang umuwi sa Pilipinas mula sa Amerika at subukan ang kapalaran sa local music industry.

"Since may family na ako at first love ko talaga ang music, fitting na bumalik ako sa music paying tribute sa Tita ko. Siya ang nagsabi sa akin to move to the Philippines and try to pursue music.

"Ang song niya na 'I’ll Never Let You Go' ang first OPM song I ever heard.

"Now that I’m older, I felt that it would be best for me to do music that was close to my heart, and what better way to do that then to do a song by my Tita JoAnne."

VOTE OF APPROVAL

Kuwento pa ni Guji, ang American husband ni JoAnne na si Brant Blower ang unang nakarinig sa cover version niya ng "I’ll Never Let You Go."

"Ang husband ni Tita JoAnne ang first na nag-react. Based na sila sa San Francisco. Her husband is a very well-known acoustic guitarist in the USA.

"Nagustuhan niya yung arrangement ko and Tita Joanne messaged me sa FB, thanking me so much sa rendition ko."

Ang recording at release ng "I’ll Never Let You Go" sa lahat ng streaming platforms at ang guesting niya sa Kagat ng Dilim ng TV5 ang ilan sa mga pinagkaabalahan ni Guji habang may coronavirus pandemic.

FAMILY LIFE

Pinagtuunan din niya ng atensiyon ang pamilya dahil magiging dalawa na ang anak nila ng kanyang misis na si Cheska Nolasco.

Si Cheska ay isang interior designer. Nagpakasal sila noong February 2016.

Ipinanganak ang kanilang baby girl na si Cassidy noong November 2019.

Sabi ni Guji, "Todo bonding kami this 2020 dahil sa pandemic.

"Memorable sa akin ang spending time with my baby daughter Cassidy Gianna, seeing her first steps and hearing her first words."

ALL ABOUT GUJI LORENZANA 

Si Guji, 40, ay head ng talent management agency na Open Door Artists, na nagbigay-daan upang malunsad ang K-pop star na si Minzy sa mundo ng showbiz dito sa Pilipinas.

Dating radio disc jockey ng 94.7 si Guji. 

Pinasok niya ang music scene sa bansa noong 2006, at sumabak din siya sa pag-aartista noong 2008. 

Napanood siya sa mga ABS-CBN teleserye tulad ng Precious Hearts Romances: The Bud Brothers Series, The Greatest Love, My Dear Heart, at The Better Half

[ArticleReco:{"articles":["147512","123713","119966","104427"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments