Lloyd Josafat Criss Cross na ang papaluan sa Spikers Turf

Mga laro sa Miyerkoles

(Filoil Playtime Centre)

1 p.m. – Alpha Insurance vs Cabstars

3 p.m. – VNS vs Criss Cross

5 p.m. – 3B vs Savouge

Magiging sentro ng atensiyon uli ang men’s volleyball pagsambulat sa Miyerkoles ng 9th Spikers’ Turf 2026 Open Conference, na magdadala ng posibleng pinaka-hindi mahuhulaang taon sa kasaysayan ng liga.

Sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, lumiban ang pinakamatagumpay na koponan, ang Cignal, na naglagak sa reigning 2025 Invitationals champion Criss Cross na patok sa likod ng isang buo at makapangyarihang roster na binubuo ng maraming nangungunang manlalaro ng bansa, gaya ng galing Alas ‘Pinas at Super Spikers na si Lloyd Josafat.

Magpaparada ng star power at chemistry ang King Crunchers uli, pero ang natitirang anim na koponan may dalang inayos na mga lineup, muling nabuhay na kumpiyansa, at isang pinagsamang paniniwala na talagang bukas ang kumpetisyong ito para sa lahat.

Nagkaroon ang offseason ng malalaking paggalaw ng mga manlalaro sa buong liga na pinatatakbo ng Sports Vision Management Group, Inc., kung saan ilang team ang nagpalakas ng mga roster sa pagkuha ng mga standout mula sa Super Spikers pool.

Ang Savouge, na atat makabawi sa hindi pagpasok sa podium noong nakaraang conference, ang gumawa marahil nang pinaka-mapangahas na hakbang, pinalagda ang mga dating bituin ng Cignal na sina Louie Ramirez at JP Bugaoan, kasama ang dating pangunahing manlalaro ng PGJC-Navy na si Joeven Dela Vega.

Ang pagbabago ay nagpapahiwatig ng layunin ng prangkisa na muling mapalabanan para sa titulo.

Pinalakas din ng Alpha Insurance ang rotation, isinahog sina Jau Umandal at JM Ronquillo sa isang matatag na core, habang patuloy na pinagsasama ng VNS ang mga promising na batang talento at matatag na pamumuno ng mga beterano sa kanilang developmental push.

Binibigyang-diin ni Alyssa Valdez, ang pangulo ng liga, ang kasiyahang dulot ng offseason shakeup.

“Talagang masaya ako para sa Spikers’ Turf teams kasi nu’ng offseason ang daming player movements. Napaka-exciting para sa mga manlalaro na makahanap ng bagong team. Sa Open Conference na ito, napaka-exciting kasi pantay-pantay ang playing field pagdating sa lineup. Laban na laban talaga lahat ng teams,” ani Valdez.

Sa katunayan, habang ang Criss Cross ay may patuloy na lakas at star power, ang pangkalahatang balanse ng kompetisyon ang maaaring maging pangunahing kuwento ng torneo.

Bawat koponan ngayon ay may dalang lakas at gutom upang seryosong magtagumpay.

Sa press conference ng liga sa Dickey’s Barbecue Pit sa Parqal, Parañaque nitong Lunes, hinirit ni tournament director Maria Mozzy Ravena, na sa ilalim ng double round-robin elimination round, ang top four ang uuusad sa isang single round-robin semifinal phase.

Ang mangungunang dalawang koponan pagkatapos ng semis ang maglalabo-labo para sa kampeonato sa best-of-three Finals, habang ang ikatlo at ikaapat na ranggong mga koponan ang magrarambol para sa tansong medalya.

Para kay Ravena, ang patuloy na paglago ng liga sa kabila ng mga hamon ay sumasalamin sa tibay ng men’s volleyball sa bansa at nagsisilbing pangitain na matagal nang pinangangalagaan ng SVMGI, na siya ring nagpapaandar ng Premier Volleyball League.

“Ang patuloy na pag-iral ng Spikers’ Turf ay patunay sa tibay ng men’s volleyball sa Pilipinas,” lahad ni Ravena. “Madali naman sana mawala, pero hinihingi talaga ng mga tao. Mafi-feel mo na excited ang fans, lalo na may bagong teams.”

Ang mga bumabalik na Cabstars at 3B ang magdadala ng karagdagang intriga, parehong sabik na muling magmarka sa pambansang liga ng mga kalalakihan.

Sasandal ang Cabstars kina EJ Casaña, Vince Abrot, Nas Gwaza at Jayrack Dela Noche, habang ang 3B ay kina kapitan Bonjomar Castel at Carl Berdal upang pangunahan ang kanilang pagsugod.

Sa anim na team puno ng talento, pinatibay ng offseason moves, at pinapagana ng pantay na bahagi ng ambisyon, pagkakataon, ang 2026 Open Conference ang magiging isang torneo kung saan walang garantiya ang reputasyon. (Abante Tonite Sports)

The post Lloyd Josafat Criss Cross na ang papaluan sa Spikers Turf first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments