NI: ARCHIE LIAO
Sa panahon ng lockdown o community lockdown, namukadkad ang karera ng iba’t-ibang celebrities dahil sa vlogs. Naging masaya at mabisang pang-aliw at pampalipas oras ang content nila sa kanilang mga Youtube channel.
Naging source rin ng libreng entertainment ang Youtube channels ng mga artista.
Sa taong ito, humataw nang husto sina Ivana Alawi, Raffy Tulfo at Alex Gonzaga na ilan sa top moneymakers sa Youtube.
Ito ang listahan ng top 10 Youtube personalities sa bansa.
1. Ivana Alawi
Pagkatapos magpaseksi sa mga teleserye, humataw ng husto ang aktres sa kanyang vlogs.
Pinag-usapan nang husto ang kanyang collaboration kay DJ Loonyo kung saan nabuo ang kanilang tandem na Loovana.
Pantasya ng mga barako at kalalakihan, si Ivana ang tinanghal na bagong calendar girl ng nakakalasing na inumin sa 2021.
Sa kasalukuyan, may more than 10.5 million subscribers na ang kanyang Youtube channel.
2. Raffy Tulfo
Ayon sa kibitzers, kung pagbabatayan ang kanyang views at subscribers sa social media, bilyonaryo na umano ang beteranong broadcaster at Idol in Action host na si Raffy Tulfo.
Bentahe ng kanyang Youtube channel na may 17.9 million subscribers ang pagtatampok ng mga kontrobersyal na personalidad.
3. Zeinab Harake
Ang videos niya ang nakapagtala na ng million views. Marami ring followers niya ang na-curious nang ianunsyo niya ang kanyang pagbubuntis courtesy of her rapper boyfriend Skusta Clee. Meron siya ngayong 8.86M subscribers.
4. Alex Gonzaga
Isa si Alex sa mga top moneymakers sa Youtube.
Marami ang naaliw sa kanyang vlog at tinutukan din ang romansa niya sa fiance na si Mikee Morada.
Si Alex ay merong 9.32 million subscribers sa kanyang Youtube channel.
5. Kathryn Bernardo
Noong magdesisyon si Kathryn Bernardo na pasukin ang vlogging, naging hit agad ito sa loob lamang ng dalawang linggo.
May 2.63 million subscribers, nakapagtala naman agad ng 3.5 million views ang una niyang vlog na na-upload noong Enero.
6. Cong TV
Hataw ang Youtube channel ng Pinoy vlogger at comedian na si Lincoln Velasquez o Cong TV, Successful din ang collaboration niya sa influencer na si Viy Cortez. May humigit-kumulang na 7.46 million subscribers ang kanyang amazing videos.
7. Andi Eigenmann
Ang pagiging simple o payak ng buhay probinsya ang madalas na talakayin ni Andi Eigenmann sa kanyang mga vlog. Ito rin ang dahilan kaya napamahal siya sa masa.Pinag-usapan din kamakailan ang pag-aanunsyo niya ng engagement sa surfer na si Philmar Alipayo kung saan meron siyang dalawang baby na ang isa ay nakatakdang isilang sa susunod na taon.
Ang YouTube channel niya ay merong 1.73 million subscribers.
8. Donnalyn Bartolome
Ang pagiging natural ni Donnalyn Bartolome ang katangiang nagpamahal sa kanya sa kanyang followers.Naging usap-usapan kung paano niya iniyakan nang i-break siya ng kanyang boyfriend. May 6.02 million subscribers na ang kanyang channel.
9. Jak Roberto
Tinaguriang Pambansang Abs, nagkaroon ng bagong career si Jak Roberto nang pasukin niya ang vlogging. Bentang-benta ang mga paandar niya .
Patok ang collaboration niya sa kanyang girlfriend na si Barbie Forteza. Kinagiliwan ang mga gimik nila .
Dahil kumikita na raw umano ng milyones, ito raw ang dahilan kaya kinatatamaran na niya ang showbiz.
Ito rin daw ang dahilan kaya tinanggihan niya umano ang offer sa kanya ng GMA-7 sa isang proyekto.
Meron na siyang 2.5 million subscribers.
10. Donekla Tandem
Mataas ang aliw factor ng funny videos ng magkaibigang Donita Nose at Super Tekla.
Sumipa pa ito nang masangkot sa kontrobersya si Super Tekla sa alegasyon ng sexual abuse ng partner na si Michelle.
Ang kanilang collaboration ni Donita ay may humigit kumulang na 2.43 million subscribers.
The post Pasabog 2020: Ivana, Alex, Kathryn Top 10 patok sa YouTube first appeared on Abante Tonite.
0 Comments