Nagkaisa sina John Estrada, Carmina Villarroel, at Tanya Garcia sa pagsasabing dapat marunong bumati at magbigay respeto ang mga baguhan at younger stars sa kanilang senior co-stars.
Matagal nang nasa showbiz industry sina John, Carmina, at Tanya.
Pag-amin ni John, 47, maraming beses na niyang naranasang hindi nabigyan ng respeto ng mga batang artista.
Magkakasama sina John, Carmina, at Tanya sa upcoming Kapuso teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat.
Nagkakuwentuhan ang tatlo tungkol sa ayaw nila sa mga batang artista sa YouTube vlog ni Carmina, 45, na in-upload noong araw ng Pasko, December 25, 2020.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, naibahagi ni John ang kinaiinisan niya sa ibang young stars.
“Isa sa mga kinaiinisan ko sa industriya yung… hindi naman tayo nagpapa-[VIP] di ba, nagpapa…
“Pero naiinis ako doon sa mga batang wala pa man, e, parang di ka man lang... marunong… batiin… di ka man lang.. alam mo yung mga ganun, di ba…
“Yun bang, ‘Ay, good afternoon, Kuya… Tito,’ di ba, ‘Good afternoon po.’”
Sinang-ayunan ito ni Carmina, na sinabing ganoon ang kinaugalian nila noong nagsisimula pa lang sila.
“Tama. Right. Kasi kami, when we started, siyempre mga bata kami, when we started, lahat talaga [binabati namin],” sabi ni Carmina.
Sundot ni John, “Of course, lahat. Basta mas matanda sa ‘yo, ‘Goodbye po.’”
Nagdetalye rin si Carmina kung paano dapat ipakilala ng isang baguhang artista ang sarili sa senior co-stars nito at sa iba pang katrabaho.
Giit ng aktres, ito ay tanda ng pagbibigay respeto sa mga kasamahan sa trabaho.
“And then, you always introduce yourself. Don’t assume that people [know you],” lahad ni Carmina.
“Even if you’re a superstar, kahit ganito ka na, kung senior stars… e, paano kung di ka niya pinapanood?
“Magpakilala ka pa rin because it’s a sign of respect.”
Sa puntong iyon, inusisa ni Carmina kung naranasan na ba ni John na hindi gumawa ng inisyatibong magpakilala ang mga nakatrabaho niyang young stars.
“Marami na. Marami na,” sagot ni John.
Dugtong niya, “Wala na rin sila. Kasi nga, siguro, di ba…”
Reaksiyon ni Carmina sa tinuran ni John, “Ala, ‘yan na ang sinasabi ko, e!
“So, bottomline, respect one and all. Whether you’re a superstar, ganyan. Basta be kind. Kasi wala namang masama...”
Singit ni John, “Kasi lalo na pag superstar, lalo ka na dapat magpakumbaba.”
PRIVILEGED YOUNG STARS
Sa puntong iyon ay nagpahayag din ng kanyang opinyon si Tanya.
Sabi ng 39-year-old actress, kumpara sa kanila noon, mas privileged na ang young stars ngayon.
“Actually, ngayon nga dapat nga itong bago mas… di ba?
"Before naman, always on your own ka naman. Ngayon, ang dami nang glam team, ang dami nang stylist.”
Tinanguan ito nina John at Carmina. Idinagdag din nilang may road managers, personal assistants, at handlers na ang young stars ngayon.
Ani Tanya, mas aware dapat ang mga baguhang artista ngayon dahil maraming tao sa paligid nila ang maaaring magturo sa tamang kilos pagdating sa mga katrabaho.
“Dati, di ba, pag costumes mo, lahat ikaw. So, parang dapat mas aware sila ngayon,” sabi ng nagbabalik na aktres.
Pagsang-ayon ni John, “Your life is much easier.”
Pagbabahagi pa ni Tanya, “When I started, I didn’t know that, na meron kang responsibility to your co-actors, co-workers, and to the viewers.
“Kasi when I started, 15-16 [years old], feeling ko work lang, and then uwi na.
“Pero with the stars nga ngayon, everyone around them, surrounding them already, imposibleng di mo alam kasi glam team mo alam rin nila ‘yan, e.”
[ArticleReco:{"articles":["155845","155847","155816","155827"], "widget":"Hot Stories"}]
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
0 Comments