Sheryl Cruz denies rumor that she got pregnant by Jeric Gonzales

Tinuldukan na sa wakas si Sheryl Cruz ang usap-usapan ng netizens tungkol sa diumano’y pagbubuntis niya.

Mariin niyang pinabulaanan ang nasabing alegasyon.

Sa "Funfare" column ni Ricky Lo sa The Philippine Star ngayong araw, December 29, tinawanan lang ni Sheryl ang isyu.

Sagot ng 46-year-old actress tungkol sa balitang nagdadalantao daw siya: “Oh, wow! Hahaha!!! And who is the father daw?”

Ayon pa sa balita, ang ama raw ng kanyang ipinagbubuntis ay ang co-star niya sa Kapuso drama series na Magkaagaw na si Jeric Gonzales, 28.

Saad ng 46-year-old actress, “I just came back from a lock-in taping of Magkaagaw and got my period on the second week of the taping, so that’s my answer.

“And if the tsismis is true, wow, ang ganda o ang guapo siguro ng magiging anak namin.”

Giit ni Sheryl, magkaibigan lang talaga sila ng Kapuso actor.

Kung meron man daw siyang bagong nobyo o idini-date, isasapubliko niya ito.

Aniya, “Hahaha! It’s probably our fans wanting us so much to be together.

"Jeric and I are okay naman. And if I do date or have a steady boyfriend, I won’t deny it to the entire world.”

Nag-ugat ang isyu sa komento ng isang netizen sa Instagram post ni Sheryl noong December 19, kung saan kasama niya si Jeric habang nasa lock-in taping sila sa Pampanga.

Sabi ng netizen, “nabuntis ka daw nyan sbi sa article sa fb”

Natatawang sagot ng singer-actress, "Me ganun? (laughing in tears emoji)”

Sheryl Cruz nabuntis

PURELY PROFESSIONAL

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jeric noong Agosto 2020, mariing iginiit ng aktor na “purely professional” ang relasyon nila ni Sheryl.

Katulad ni Sheryl, maaaring ang fans lang nila sa teleserye ang gustong mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan.

Sabi ni Jeric, “Natutuwa kami sa fans and supporters na nagpo-promote sa amin and nag-aabang sa amin.

"Pero Ms. She and I are very professional pagdating sa work.”

Hindi na rin daw nababahala si Jeric na patuloy na binibigyang kulay ang kanilang pagsasama sa teleserye.

Aniya, “Natutuwa pa nga ako, kasi I know it’s all because of the show, na gusto nila kami and sinusuportahan nila ang palabas namin.”

Naghiwalay naman si Jeric at ang non-showbiz girlfriend nito noong January 2020 dahil daw sa aktres.

[ArticleReco:{"articles":["155822","155821","155738","155818"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments