3×3 ilalarga ni Bachmann

Mula apat hanggang limang 3×3 tournament ang ikakasa ng PBA sa papasok na Season 46.

Magaang na ruta ang 3×3 para makarating sa Olympics, posibleng una sa Tokyo sa July.

Si Dickie Bachmann ng Alaska ang itinalaga ng Board bilang governor-in-charge ng proyekto.

Makakatuwang niya sina Joey Guanio mula PBA at Ronnie Magsanoc buhat sa SBP at Eric Altamirano bilang tournament director.

Lahat ng 12 teams ng PBA ay kasali, may hanggang apat din na guest teams.

“Original plan was to have four conferences, but we will now have pocket tournaments,” paliwanag ni Bachmann. “Two-thee days tournament throughout the year, they will play for prize money.”

Buong taon na ang torneo. (Vladi Eduarte)

The post 3×3 ilalarga ni Bachmann first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments